Markus, dinaan sa kanta ang pagiging ‘lost’...
Napapakinggan na ang R&B collaboration nina Markus Paterson, Kyle Echarri, at Moophs na pinamagatang Hotel Room, ang bagong kanta na puno ng malulungkot na emosyon ng taong iniwan ng minamahal.
Tampok sa Hotel Room ang soulful voice nina Markus at Kyle na nilapatan naman ni Moophs ng neo-soul vibe.
Ayon kay Markus, itinuturing niyang isang paalala ang kanta sa panahon na naging ‘lost’ siya. “I wrote Hotel Room about a specific time in my life when I was trapped by vices and surrounded by the wrong crowd. Looking back on it, I’m proud of myself for getting out of that hole,” aniya. “I think it’s the best time to release this song because I’m a responsible father now, and it’s a reminder of who I was, not who I am now,” ayon pa kay Markus na napapabalitang diumano’y hiwalay na sila ng ina ng kanyang baby, si Janella Salvador.
Kapwa sila hindi nagsasalita tungkol dito.
Personal din para kay Kyle ang awitin at nais niya itong ibahagi sa fans dahil sa pananaw niya ay marami ang makaka-relate dito. “It’s my first time releasing something that is this personal, and I feel like a lot of people go through these kinds of hard times,” saad niya.
Samantala, kinuwento naman ng song producer na si Moophs kung gaano kadali katrabaho ang dalawang actor-singer.
Sabi ng Tarsier Records label head, “Markus wrote a song and sent me a voice note, I produced a beat around it, and Kyle penned a second verse and hopped on the track. Their songwriting chemistry together in the studio is magical.”
Bahagi ng original class of artists ng Tarsier Records simula 2017, nakapaglabas na si Markus ng maraming kanta sa ilalim ng label, kabilang ang kanyang B-SIDE EP, na higit sa 3 milyon na ang Spotify plays.
Ipinakilala naman ni Kyle ang kanyang ikalawang album na New Views noong nakaraang taon.
Bukod kina Markus at Kyle, nakatrabaho rin kamakailan ni Moophs ang ilan pang OPM artists tulad nina Bugoy Drilon, Inigo Pascual, at Russell Reyes.
Mapapakinggan ang Hotel Room single nina Markus, Kyle, at Moophs sa iba’t ibang digital streaming platforms.
- Latest