Nakabalik na sa Pilipinas si Tony Labrusca pagkatapos manirahang muli sa Amerika sa loob ng ilang buwan. Nanibago raw talaga ang binata nang bumalik sa bansa dahil sa safety protocols na ipinatutupad kaugnay sa pagkakaroon pa rin ng pandemya. “During the pandemic nakapunta na ako sa States. Then do’n parang di mo maramdaman ‘yung pandemya eh. So pagbalik namin dito ang daming rules,” bungad ni Tony.
Matatandaang nasangkot ang aktor sa isang kontrobersiya noong isang taon. Ayon kay Tony ay nakaka-move on na siya mula sa isyung kinasangkutan niya. “It’s just so nice parang nakaka-move on na rin tayo, nakakahinga na ulit tayo. It’s nice kasi wala naman akong ginawang masama, ‘di ba? Mabuti naman akong tao pero naging problema ko siya. I didn’t ask for it. I didn’t choose it but it happened to me. It sucks so I guess now I’m grateful I can breathe again. I wish that it didn’t have to happen in the first place but it is what it is, life happens,” makahulugang pahayag ng binata.
Magbibida si Tony sa pelikulang Breathe Again na mapapanood na sa Vivamax simula sa June 3. Kasama rin sa naturang proyekto sina Ariella Arida at Ivan Padilla.
Dawn, anim na taon ang hinintay bago nagbida
Kagabi ay napanood sa Maalaala Mo Kaya ang unang bahagi ng kwento ng buhay ni Daisy Lopez o mas nakilala sa bansag na Madam Inutz. Pinagbidahan ni Dawn Chang ang 2-part Mother’s Day episode ng MMK.
Hindi raw inakala ni Dawn na makapagbibida siya sa isang magandang proyekto. Nasa taping daw noon ng Darna ang aktres nang malaman ang tungkol dito. “Akala ko support ulit since lagi ko naman ginagawa ‘yon. Sabi ko, ‘Ah okay, kailan at ano ang kwento?’ Sabi niya, ‘Madam Inutz’ ‘Ay! Ang galing! Ano ang role ko?’ ‘Ikaw si Madam,’” nakangiting kwento ni Dawn.
Matatandaang nagsimula ang aktres bilang isang housemate sa Pinoy Big Brother mahigit anim na taon na ang nakalilipas. Kamakailan lamang daw napaisip si Dawn kung saan hahantong ang career sa show business. Sa loob kasi ng halos pitong taon ay ngayon lamang nabigyan ng pagkakataon na makapagbida ang aktres. “Noong isang araw, iniisip ko siya. Ini-imagine ko ‘yung challenge na gusto ko tapos binigay kaagad-agad. So sabi ko, ‘Wait lang, Lord nabigla naman ako.’ Pero siyempre nagpasalamat ako,” dagdag ng aktres
Sa darating na Sabado ay mapapanood ang ikalawang bahagi ng ng kwento ng buhay ni Madam Inutz sa MMK. Matutunghayan ito sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube, ABS-CBN Entertainment page sa Facebook at iWantTFC.
(Reports from JCC)