^

PSN Showbiz

Dawn Chang, gagampanan si Madam Inutz

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dawn Chang, gagampanan si Madam Inutz
Dawn Chang.

Ang viral live seller sa likod ng kamera

Para sa kanyang first ever TV debut, pagbibidahan ni Dawn Chang ang makulay na buhay ng PBB Kumunity celebrity housemate na si Daisy Lopez, o mas kilala bilang ang viral live seller na si Madam Inutz. Kasama ang batikang aktres na si Susan Africa, Gino Roque, at Pamu Pamorada, mapapanood ang two-part Mother’s Day series sa Mayo 7 (Sabado) at Mayo 14 (Sabado).

Nag-alinlangan pa nung una si Madam Inutz na ibahagi ang kanyang kwento, “Ayoko talaga i-share kasi siyempre ‘yun ‘yung mga panahon na gusto kong kalimutan, ‘yung hirap. Pero at the same time, naisip ko bakit hindi. Gusto ko magbigay ng inspirasyon sa mga tao.”

Si Dawn naman ay naghanda nang mabuti para bigyang buhay ang maingay na personalidad ni Madam Inutz. Inilahad ni Dawn na nagpraktis pa siya ng pagmumura na sikat na gawain ni Madam Inutz sa kanyang mga video.

Emosyonal din ang kanyang preparasyon para sa role dahil sa maraming paghihirap na dinanas ni Madam Inutz bilang anak at ina.

Bago naging Madam Inutz, si Daisy Lopez ay laking Tondo Manila. Marami nang trabaho ang kanyang napasukan dito at abroad para makatulong sa kanyang pamilya at maipagamot ang ina na may sakit. Matapos sumubok sa online live selling, sumikat siya dahil sa kwelang pamamaraan ng pagbebenta. Napasali pa siya sa Pinoy Big Brother bilang “Ang Mama-Bentang Live Seller Ng Cavite.”

Hati man ang reaksyon ng netizens sa live selling ni Madam Inutz, hindi siya pinanghinaan ng loob na tumigil at mas lalo pang magpursige para sa kanyang pamilya.

Mapapanood ang MMK sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

DAWN CHANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with