Madalas na bumibisita si Yeng Constantino at asawang si Yan Asuncion sa pinagawang farm house na matatagpuan sa Quezon province. Kapag walang trabaho ay palagi umanong umuuwi ang singer dito. “Tapos na ang farm house namin, tagal ko nang dream magkaroon ng tiny home katulad ng napapanood ko sa YouTube! At least meron na. After work, palagi akong bumibisita dito sa aming farm para bisitahin ang aking ama at ang kapatid kong si Cookie ay nandito na,” bungad ni Yeng.
Ibinahagi ng singer sa sariling YouTube channel kung ano ang hitsura ng naipundar na bahay sa naturang probinsya. “Ang simple pero ang ganda nitong tiny home namin. Rough finish lang ‘yung house, ibang-iba doon sa bahay namin sa Manila. Kasi ‘yon din talaga ‘yung goal namin. Gusto namin, kapag pupunta kami dito, the moment na makita namin ‘yung bahay, alam namin na ibang-iba talaga ‘yung vibe niya sa bahay namin sa Manila,” pagbabahagi niya.
Ayon kay Yeng ay kinailangan pa nilang magpaputol ng maraming puno ng niyog upang maipatayo ang kanilang farm house sa nabiling lupa. Nagtanim din ang mag-asawa ng mga puno ng mahogany sa kanilang lote roon. “Medyo heartbreaking nga kasi no’ng nabili namin ito, nandito na sila (mga puno ng niyog). Medyo nakiki-emphatize din kami sa mga puno but we had to cut them para sa aming safety. To make the mountain stronger, para walang maging landslide, prinepara na rin naming ang mga mahogany, 100 mahogany ang tinanim namin dito,” kwento ng singer.
Baron, walang tayuan ng apat na araw ‘pag nakakatikim ng alak
Muling nagkaroon ng hilig si Baron Geisler sa pag-inom ng alak na siyang naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng asawang si Jamie Evangelista. Ito umano ang pinag-ugatan ng pansamantalang hiwalayan ngayon na ibinahagi ng aktor sa panayam sa mag-asawang sina Julius Babao at Christine Bersola. “We’re working things out. We’re giving each other space to work on our own program. She has her own program, I have mine. Nag-relapse ako no’ng December and naging continuous siya up until last month, but now I’m back sa 12-step program na nakakatulong po sa akin. May allergic reaction po ako sa utak ko sa alak. I cannot stop. Once na matikman ko siya, kailangan apat na araw po hanggang sa hindi na ako makatayo,” pagtatapat ni Baron.
Kasalukuyang sumasailalim ang aktor sa isang program upang malunasan ang pagkahilig sa alak. “It is making me understand that I really am an alcoholic. You have to keep coming back to the program and work on your program. It is a disease, it is no different from cancer and diabetes. There’s no cure for it. You have to keep coming back to the program and work, daily ‘yan,” giit ng aktor. (Reports from JCC)