Weekly show, may major renovation!

May bonggang-bonggang reformat pala sa isang weekly show na napapanood sa gabi na mahigit 20 ang member ng cast.

Ang latest na nabalitaan namin, mahigit 10 ang tinanggal at merong limang ipinasok na dati ay pa-guest guest lang.

Matagal na ang programang ito, at kailangang may bago nang mapapanood sa kanila lalo na’t ang dami nang magagandang napapanood sa TV, pati sa online at streaming.

Kaya dapat updated at maraming bagong mapapanood.

Ipinakiusap na huwag muna namin pangunahan dahil pinag­hahandaan nila ang relaunching nito.

Mga taga-showbiz, kanya-kanyang eksena sa pulitika

Sobrang involved ang mga taga-showbiz sa nalalapit na eleksyon.

May mga magkakaibigang nagkasiraan na, at pati sa pamilya ay may mga itinakwil na.

Sana pagkatapos nito, tatanggapin na lang ang pasya ng taumbayan. Makiisa na lang tayo sa kung ano ang resulta ng eleksyon.

Ngayong nasa huling araw na ng pangangampanya, naglabas ng video ang mga kilala at magagaling na direktor na bahagi ng Directors’ Guild of the Philippines. Bale 41 silang lahat na karamihan ay open na open namang mga Kakampink.

Pero sa video na ginawa nila ay ipinapara­ting sa mga botante na ang piliin nila ay ‘yung magbibigay ng liwanag sa dilim.

Walang kulay, walang kinikilingang partido, pero karamihan ay obvious na kay VP Leni Robredo.

Pati ang National Artist na si Kidlat Tahimik ay nagpahayag na rin ng kanyang suporta.

Samantala, nung nakatsikahan namin si Pauleen Luna, ipinahayag niya ang suporta ng buong Sotto family sa kandidatura ni Senate President Tito Sotto.

Nirerespeto naman daw nila ang ilang kaibigang iba ang kanilang susuportahan. Tanggap daw nila ito, basta wala lang daw bastusan at kung anu-anong sinasabi laban sa kanila.

Maingat na lang daw sila sa mga sinasabi nila, at wala silang balak makipagtalo sa ibang mainit na nakikipagbalitaktakan sa pulitika.

“We have to be careful e with what we say, because it might reflect on our family member who’s running for office. So, kagat-dila na lang, huwag na lang kalimutan,” napapangiti niyang pahayag.

“Sana nga huwag lang din mawala ‘yung respeto, dahil isang araw? hindi naman sa isang araw, siyempre we’re talking about our future. Pero, napag ano rin naman e. Itong pagkakaibigan natin, ilang taon din binuo, ‘di ba?”, dagdag niyang pahayag.

Glaiza, nasa Ireland

Masaya ang lahat na bumubuo ng bagong drama series na False Positive dahil maganda rating nito. Nag-umpisa na silang mapanood noong Lunes.

Kaya happy na sina Xian Lim at Glaiza de Castro na tinanggap ito ng mga manonood at inaasahang lalo pang tataas.

Kahit nasa Ireland ngayon si Glaiza kasama ang kanyang asawang si David Rainey, todo promote pa rin naman siya sa kanyang social media account.

Ramdam kong lalo pa itong tataas paglabas nina Buboy Villar at Herlene Budol na gumaganap bilang sina Malakas at si Maganda.

Show comments