Mayor Joy walang negative reaction

Mayor Joy Belmonte.

AiAi, nagpagamit sa maruming pulitika?!

May mga natawa pero mas marami ang nasaktan sa ginawang campaign ad ni AiAi delas Alas sa isang kumakandidatong mayor.

Nasaktan sila dahil ginamit pa sa nasabing campaign ad ang logo ng Quezon City na isang malinaw na pambabastos kay Mayor Joy Belmonte.

May eksena pang animo’y binasag ni AiAi ang table name plate ni Mayor Joy.

Wala raw negative reaction si Mayor Joy tungkol dito, na isa palang fan ni AiAi, chill lang, at natawa pa raw sa ginawa ng komedyana, pero hindi pa rin magandang makita ang isang babaeng katulad ni AiAi na masasabing nagpagamit sa maruming pulitika.

Gumaganap na Hon. Ligaya Delmonte si AiAi sa campaign ad video na tinagalog na pangalan ni Mayor Joy na patuloy na nangunguna sa mga survey.

Unang dialogue ni AiAi “May mahalaga po akong announcement kaya pakinggan n’yo ko. Kung ayaw n’yo, lumayas kayo sa Kyusi, wala akong pake!”

Meron pa siyang sinasabi na “Asawa po ako ni Babalu.”

Ikinonek nila ang nasabing campaign ad sa endorsement ni AiAi kay BBM (Bongbong Marcos) na laging sinasabi na ayaw ng siraan sa kampanya.

Sa huli, nag-dialogue si AiAi sa video niya, “Mayora Ligaya Delmonte, now signing off!”

“‘Di pa rin maganda na pinaglaruan at ginawang katawa-tawa ni AiAi ang isang kapwa niya babae na isang respetadong public servant.

“Para lang sa maruming pulitika nagawa niya ‘yon, pakiramdam ko siya ang masisira dyan,” opinion naman ng isang taga-QC.

Totoo, puwede mo namang ikampanya ang gusto mong kandidato na hindi kailangang mambastos ng kalaban nito.

“Akala ko iba na ang panahon ngayon. Pero obvious na tumanggap siya diyan. Kasi pati pambabastos sa kapwa niya babae na hindi biro ang ginawang trabaho ngayong pandemya, binastos at nilibak-libak niya,” dagdag pa ng ibang taga-QC.

Tama sa panahon ngayon, respetuhan din naman sana.

Show comments