Natapos ang reign ni Beatrice Gomez as Miss Universe Philippines na hindi umabot sa 1 million ang kanyang followers sa Instagram.
Hindi siya natulad kina Pia Wurtzbach, Catriona Gray o Rabiya Mateo na lumobo ang followers pagkatapos koronahang Binibining Pilipinas Universe / Miss Universe Philippines.
Although iba sa kaso nina Pia and Catriona, pero mas nadagdagan lang ang kanilang followers nang naging Miss Universe sila.
But anyway, almost 700K pa lang followers ni Beatrice na parang walang planong pasukin ang showbiz pagkatapos niyang ipasa ang korona na rumampang naka-suit sa kanyang farewell walk.
Iba ito sa nakasanayang farewell walk, sa ginanap na Miss U PH coronation night sa MOA Arena the other night.
Ang sabi imbes na showbiz, magma-master si Bea.
Declared bisexual si Beatrice.
Isa ang nasabing statement ni Beatrice sa nagpa-trending sa naganap na coronation sa Miss Universe Philippines.
Samantala, masyado namang ginandahan ni Pia Wurtzbach. Apat na beses siyang nagpalit ng gown.