Beauty queen overload
Beauty queen overload ang Miss Universe Philippines coronation night.
Limang Miss Universe ang nagkita-kita.
Post ng kasalukuyang Miss Universe Harnaaz Kaur Sandhu ng India : “As a contestant and fan, I remember the time I wished so badly to meet one of them... and who knew it would come true that I got to meet each of them together. Not just as a contestant or as a fan, but as one of them, as Miss Universe.
“Thank you to each of you for always supporting me and lending me your helping hand. @piawurtzbach @demitebow @catriona_gray @irismittenaeremf
“I’m extremely grateful for this night that made me more passionate about my journey as Miss Universe.
Cheers to the unforgettable queens and their unlimited bravery!
A night that I can never forget where the queens united the whole Universe.”
Isa sa mga judge sa Miss Universe sa Israel nang koronahan si Harnaaz ay si Marian Rivera.
Pero walang chika kung nanood si Marian ng coronation night nito kagabi.
Scammers ng editor, kilala sa sosyalan
Mag-ingat sa mag-ina na kilala sa lifestyle circle.
Nabiktima nito ang isang veteran news editor ng kilalang broadsheet.
Mahaba ang kuwento, pero in a nutshell, tinawagan si veteran editor ng anak ng kanyang kaibigan sa lifestyle circle. Out of concern, ang bungad nito, tutulungan daw niya si broadsheet editor na i-secure ang kanyang mga account sa bangko para ‘di ma-hack tulad ng nangyari sa mommy niya. Lalo na nga at ‘di siya familiar sa mga digital transaction.
Pagkatapos tumawag ng anak, ang mommy ang tumawag sa veteran editor para sabihin ngang na-scam siya kaya kailangan niyang ipa-secure ang mga account niya.
True enough, dahil kaibigan niya mabilis siyang nakumbinsi.
Almost 30 years daw ang friendship nila kaya mabilis din siyang nagtiwala.
Pinuntahan siya sa bahay ng anak at doon na naganap ang lahat.
Hiniram diumano ang cellphone niya na hindi niya namamalayan ay napalitan na pala ang sim card ng kanyang telepono.
Digital transaction ang ginawa ng anak ng kilalang personalidad sa lifestyle at ayun na.
Dahil nakuha ‘yung original cell number niya, mabilis ang naging process ng ‘scammer.’
More than a million ang na-scam sa kaibigan kong retired news editor at nai-transfer sa iba’t ibang account.
Senior citizen si veteran editor kaya talagang dusa siya sa planong pagdedemanda.
May natira siyang pera, pero ang hindi niya maiisip ay kung bakit siya pa ang ginanun samantalang hard-earned money niya ‘yun at alam ng kaibigan niyang ito na wala siyang ibang inaasahan.
- Latest