Wow, normal na nga.
Nagkaroon na ng announcement kahapon sa social media na darating sa bansa ang Korean actor na si Kim Soo-hyun para sa One Extraordinary Day with Kim na magaganap sa June 10, 2020 sa SM Mall of Asia Arena.
Matagal nasabik ang Korean drama fans sa mga fan meeting kaya tiyak na dadagsain ito unless magkaroon uli ng surge ng COVID-19 after the election.
May mga kumakalat kasi ngayong may mga nahawa raw sa mga political rally pero naka-news blackout lang.
Well, baka naman fake news lang din.
In demand sa bansa si Kim Soo-hyun at nakabalandra ang mga billboard niya sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para sa isang apparel brand at donuts.