Thursday morning sa Malibu, California, ang final exam day ni Lorin Gutierrez sa Pepperdine University, kaya after no’n ay sinundo na namin siya ni Raymond Gutierrez.
Ako ang nag-drive ng van at tinulungan naman siya ng kanyang Uncle Mond sa paghahakot ng kanyang mga gamit sa dormitory. At dahil tapos na nga ni Lorin ang first year sa Pepperdine University, sa kanyang second year ay sa ibang dormitory na siya.
From Malibu ay nagpunta kami sa downtown Santa Monica kung saan ay nagpa-breakfast si Mond. While on our way sa Urth Caffé, naikuwento ni Lorin na uuwi siya ng Philippines para dalawin ang kanyang nanay na si Ruffa Gutierrez at kapatid na si Venice Gutierrez, siyempre pati ang lola niyang si Annabelle Rama, lolo na si Eddie Gutierrez, at iba pang mga kapamilya.
Pero hindi raw siya magtatagal sa Philippines at balak niyang bumalik agad ng Los Angeles, California dahil plano niyang kumuha ng isang summer course.
In fairness, ang sipag talagang mag-aral ni Lorin, huh!
Naikuwento rin ni Lorin na plano nga ni Ruffa na magbakasyon silang mag-iina sa Europe, pero dahil sa summer course na kukunin niya, hindi na raw siya makakasama pa.
Bago nga pala umuwi ng Philippines, magba-bonding muna ng three weeks sina Lorin at Mond. Kahit kasi pareho silang nasa California ay minsan lang silang magkita dahil malayo rin sa Beverly Hills ang school ni Lorin sa Malibu.
Balak nga pala ni Lorin na mag-aral ng driving habang nasa LA siya. Actually pareho sila ni Mond. Hindi lang ako sure kung sabay na ba silang mag-e-enroll ng driving lesson.
Bongga!
TITimg, favorite ng mga Pinoy sa LA
Naku, Ateng Salve, tiyak na matutuwa sina Manay Lolit Solis at Mr. Fu dahil ang dami-daming fans ng inyong Take It! Take It, Me Ganon sa LA, huh!
Enjoy nga ang mga kaibigan ko sa panonood kina Manay Lolit at Mr. Fu at type na type nila na nagpapabati.
Dahil 9:00pm na sa West Coast kapag nagsu-show sina Manay Lolit at Mr. Fu, marami sa mga kaibigan ko ang miyembro ng Team Reply. Pero ang iba naman, like my BFF Risa Macaranas, aba, talagang live kayong pinapanood.
Si Tita Mary Ann Opeña naman na close sa mga taga-showbiz, talagang tinututukan ang blind items ni Mr. Fu.
Ang bongga-bongga talaga ng online show nina Manay Lolit at Mr. Fu at siyempre, type na type ng viewers n’yo kapag mine-mention ang name mo, Ateng Salve, huh!
‘Yun na!