Angeline, ginawang ‘reality show’ ang panganganak

Angeline Quinto.

Nanganak na si Angeline Quinto the other night, April 27, 10:22 p.m.

“Hello Baby Sylvio,” ang IG story ng singer.

“Love at first sight,” dagdag ni Angeline sa kanyang IG story habang naka-hospital suit ang ama ng baby at nakatingin sa sanggol.

Updated ang followers ni Angeline sa kanyang panganganak nang i-upload niyang ready to pop na siya at on the way to the hospital noong Wednesday afternoon hanggang sa nakapanganak.

Iba’t iba ang reaction sa ginawang ala-reality show na panganganak ni Angeline na imbes daw ng magdasal ay walang ginawa kundi mag-post.

Pero marami-rami rin naman ang natuwa dahil updated daw sila sa journey ng singer sa kanyang pagiging ganap na ina.

Show comments