MANILA, Philippines — Hindi gaya ng ibang kandidato ngayong 2022, nakakuha si Bise Presidente Leni Robredo ng pag-endorso mula sa isang "presidente" — hindi galing kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit kay Nadine Lustre.
Matagal nang tinatawag na "tunay na presidente ng Pilipinas" si Nadine sa samu't saring memes ng kanyang fans online, gimik na kanyang niyakap na talaga para itulak ang kandidatura ng broad opposition standard bearer.
Related Stories
"Mga kababayan, a message from your president. Charot lang! It's time for a new president," wika ni Nadine sa isang paskil sa Instagram, Lunes ng gabi.
"We will make sure na qualified 'yung papalit sa akin... At walang mas qualified na maging susunod na presidente kundi si President Leni Robredo."