^

PSN Showbiz

'President' Nadine Lustre nanawagang iboto si Robredo sa pagkapangulo

Philstar.com
'President' Nadine Lustre nanawagang iboto si Robredo sa pagkapangulo
Kuha sa singer-actress na si Nadine Lustre, na matagal nang binabansagang "tunay na presidente ng Pilipinas" sa internet, habang ineendorso ang kandidatura ni Bise Presiente Leni Robredo sa pagkapangulo
Video grab mula sa Instagram account ni Nadine Lustre

MANILA, Philippines — Hindi gaya ng ibang kandidato ngayong 2022, nakakuha si Bise Presidente Leni Robredo ng pag-endorso mula sa isang "presidente" — hindi galing kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit kay Nadine Lustre.

Matagal nang tinatawag na "tunay na presidente ng Pilipinas" si Nadine sa samu't saring memes ng kanyang fans online, gimik na kanyang niyakap na talaga para itulak ang kandidatura ng broad opposition standard bearer.

"Mga kababayan, a message from your president. Charot lang! It's time for a new president," wika ni Nadine sa isang paskil sa Instagram, Lunes ng gabi.

"We will make sure na qualified 'yung papalit sa akin... At walang mas qualified na maging susunod na presidente kundi si President Leni Robredo."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ???? ???? (@nadine)

Lalo pa niyang in-embrace ang pop at online cult following sa kanya sa naturang ad matapos magbuhos ng sarsa sa litsong manok, bagay na reference sa pamimili niya noon ng bote ng Mang Tomas sa isang palengke sa Siargao na animo'y hindi celebrity.

Pinasaringan din niya sa naturang video ang mga kontrobersiyang kanyang hinarap "habang nanunungkulan," gaya na lang ng iba't ibang fake news tungkol sa kanya:

"Every year na lang [daw ako] buntis? Wala na bang bago? Kinaya ko naman."

"I know someone who went through worse [controversies]. Bashers, intriga, fake news for the past six years. But she still served tirelessly, faithfully, wholeheartedly dahil alam niyang deserve nating mga Pilipinas."

"She speaks up for you and helps you find your voice."

Matatandaang nag-perform si Nadine, na isa ring aktres at mang-aawit, sa rally ni Robredo sa Pampanga noong ika-9 ng Abril. Sinasabing umabot sa 220,000 ang dumalo sa naturang event.

Hindi naman napigilan ng opposition senatorial candidates na sina Chel Diokno, Risa Hontiveros at Teddy Baguilat na mag-fan boy at fan girl mode nang dumalo ang "pangulo" sa nasabing political rally. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

LENI ROBREDO

NADINE LUSTRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with