Maraming na-shock sa fashion industry nang kumalat kahapon ang malungkot na balitang pumanaw ang socialite at CEO of FILA Philippines na Cris Albert habang nasa isang hotel sa Singapore.
Ayon sa statement ng FILA Philippines, sumakabilang buhay si Ms. Albert noong Sabado. “Her family appeals to everyone to respect their privacy as they grieve in this time of immense loss.”
Traumatized sa nangyari ang ibang kaibigan nito kabilang na ang influencer at personal friend ni Ms. Albert na si Ms. Pinky Tobiano kung saan nagkasama pa sila sa Fendi party doon sa Singapore. Post ni Pinky “Cris Albert I will miss you! There is a new beautiful angel in heaven in you called Loveee!!!! Watch over us in heaven!”