^

PSN Showbiz

Angela ibabalik ang mga ‘dagdag na alaala’ ng kanyang buhay high school

Pilipino Star Ngayon
Angela ibabalik ang mga ‘dagdag na alaala’ ng kanyang buhay high school
Angela.

MANILA, Philippines — Nagbabalik-tanaw sa mga simpleng saya ng pagiging teenager ang folk-pop ar­tist na si Angela Ken sa bago niyang single na Dagdag na Alaala mula sa Star Music.

Isinulat ng Squad Plus member na unang nakilala sa TikTok ang Dagdag na Alaala  para alalahanin ang mga magagandang karanasan niya noong high school at ang mga pagkakaibi­gang nabuo niya sa panahong iyon.

Layunin din ng kanta na bigyang-halaga ang high school barkada at magbigay-paalala na mahalin ang iyong mga kaibigan. “Sinasabi ng kanta na dapat i-value natin ‘yung friends natin at mga tao sa paligid natin habang nandyan pa sila,” ani Angela.

Kamakailan lang, gumawa ng dalawang kanta na Your Everything at  Hanggang Sa Muli si Angela kasama ang kapwa singer-songwriter na si Jeremy G para sa official soundtrack ng unang exclusive YouTube series ng ABS-CBN na How To Move On in 30 Days. 

Ini-release din niya ang ikalawa niyang single na It’s Okay Not To Be Okay  noong Enero na kasunod ng debut single at hit song niyang Ako Naman Muna.  Bumida rin siya sa isang billboard sa Times Square sa New York bilang featured artist sa EQUAL campaign ng Spotify.

Bukod sa pagpe-perform sa  ASAP Natin ‘To, malapit na ring mapanood na umarte si Angela sa musical series na Lyric and Beat kasama ng iba pang Kapamilya talents.

 

 

ANGELA KEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with