^

PSN Showbiz

Ruffa, may bubuksang negosyo

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Ruffa, may bubuksang negosyo
Ruffa Gutierrez.

Ang media launch bukas ng Gutz & Glow, ang bagong business ni Ruffa Gutierrez.

Bukas malalaman kung ano ang bagong negosyong ito ng isa sa Sexy Authori-Team ng Sexy Babe segment ng noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Masipag si Ruffa sa pagtatrabaho dahil single working mom nga naman siya.

Eh, ang panganay pa naman niyang si Lorin Gutierrez, freshman student sa Pepperdine University sa Malibu, California, kaya ang gastos din.

Ang bunso naman ni Ruffa na si Ve­nice Gutierrez ay graduating na next year sa British School Manila, kaya sobrang nagsisipag siya para sa dalawang anak, kaya hindi lang siya sa showbiz career nakatutok, busy rin siya sa pagnenegosyo.

Sa tuwing kakuwentuhan nga namin si Ruffa ay tungkol sa Gutz & Glow ang topic niya.

Actually, Ateng Salve, kahit nasa Los Angeles, California pa rin ako kasama si Raymond Gutierrez, tumulong pa rin ako sa pag-o-organize ng media launch ng bagong business ni Ruffa.

Anyway, going back to Lorin, alam n’yo ba na kahit gaano ka-busy si Ruffa ay tutok na tutok pa rin siya sa kanyang anak kahit nasa Amerika ito?

Noong tawagan kasi namin si Lorin the other day, nasa dinner pala ito at nang tawagan ako ni Ruffa, ikinuwentong nasa dinner nga raw ang anak.

In fairness, bawat kilos ni Lorin ay ipinagpapaalam niya kay Ruffa, huh!

Bongga!

Rufa Mae, super raket pa rin kahit nakapag-ipon

Bilib din ako sa kasipagan ni Rufa Mae Quinto na balik-Amerika na.

Aba, noong nasa ‘Pinas siya, rumatsada siya sa ilang tapings, huh!

May ilang kampanyang pinuntahan pa si P-chi (paboritong tawag sa sexy comedienne).

At kahit kababalik nga lang niya sa San Francisco, California, go kaagad siya sa Los Angeles dahil may dalawang event siya ngayon (Saturday pa lang sa Amerika).

Aba, Saturday morning ay special guest siya sa ribbon cutting ng isang beauty clinic sa West Covina (kung saan ay naimbitahan ako na mag-cover). Sa oras naman ito, nagsu-show siya sa La Puente.

Bibilib ka talaga sa sipag magtrabaho ni P-chi considering na isa siya sa mga artista sa atin na talaga namang nakapag-ipon.

Yes, sa sipag ni P-chi na pati pag-i-interior design ay pinasok, talaga namang nakapag-impok siya at puwedeng huwag nang magtrabaho pa, pero sabi nga niya, go, go, go pa rin basta may offer.

Ang bongga rin ni P-chi, huh!

‘Yun na!

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with