^

PSN Showbiz

Sofia, nakakaramdam ng pressure

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sofia, nakakaramdam ng pressure
Sofia Pablo.

Muling magdadala ng positive vibes at inspirasyon ang GMA Network at Regal Entertainment ngayong 2022 sa paglulunsad ng lingguhang afternoon mini-serye na Raya Sirena simula Abril 24, Linggo.

Bukod sa magpapasaya sila, hihikayatin din nila ang manonood na pagtagumpayan ang kanilang mga personal na laban, habang nararamdaman ang tunay na suporta at pagmamahal mula sa mga kaibigan at pamilya.

Ang Raya Sirena ay pagbibidahan ng Sparkle Sweethearts na si Sofia Pablo bilang Raya at Allen Ansay bilang si Gavin.

Ang seven-part mini-series ay kwento ni Raya (Sofia) sa kanyang pagbabalik sa Casa Elena resort kung saan siya unang naging sirena. Marami siyang natutunan sa karanasang iyon nang maging mas mapagmahal siyang anak at mabuting kaibigan kay Gavin (Allen), ang anak ng caretaker ng kanilang resort.

“May konting pressure kasi grabe ‘yung tiwala na binigay nila sa amin, ‘yung investment nila sa Raya Sirena and I’m really hoping and praying na sana maging successful ito katulad nung unang napanood ng tao ‘yung Raya Sirena sa Regal Studio Presents.”

Pahayag naman ni Allen: “Happy po kami na ‘yung Raya Sirena ay ginawang mini-series. Alam po natin dati na isang episode lang po ito at minahal din po talaga siya ng viewers natin. Sobrang excited po kami kasi mas pinaganda talaga ‘yung kwento niya, at mas binigyang lalim po.”

GMA First Vice President for Program Management Department Jose Mari Abacan reveals how they decided to produce the seven-part mini-series, “When we did the Regal Studio Presents: Raya Sirena, wakasan talaga siya so we didn’t know na may clamor na sundan siya ng medyo mahaba-haba. So, nung pinag-uusapan namin gagawa ba tayo ng Raya Sirena 2 within Regal Studio Presents? Nag-usap kami ni Roselle (Monteverde), tingnan natin baka pwede natin gawin na seven-part series para hindi nagmamadali. ‘Pag nag-work ito, sana araw-araw na.”

Banggit naman ng COO & Vice President of Regal Entertainment Inc. and Regal Multimedia Inc., Roselle Monteverde, kung bakit sila ginawang bida: “They look so cute together and iba ‘yung chemistry nila on screen and off screen. Sa tingin ko, hahaba naman talaga ang journey nitong dalawa nating young stars kasi they are very passionate sa career nila, nakikita ko naman yon.”

Si Crisanto Aquino ang director ng Raya Sirena.

vuukle comment

SOFIA PABLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with