Bukod sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at TFC (The Filipino Channel) ay mapapanood na rin sa Netflix ang 2 Good 2 Be True na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa susunod na buwan.
Isang malaking karangalan umano para sa aktres na mapapanood ang bagong proyekto sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
“Mapapanood nga ng tao not just on free TV but also on Netflix, ‘yon pa lang wow, that’s a first for us. It’s very special and we are very grateful na nabigyan kami ng ganitong platform para mas marami pang makapanood within everything that’s happened especially last year. We’re very grateful of course to Netflix for giving us this new platform and the opportunity to share this beautiful project with everyone.
Hanggang ngayon hindi pa nagsi-sink in na ang galing, na slowly nakikipag-partner ang ABS-CBN sa mga international platforms just to reach more audiences and nakaka-proud. Sana magtuluy-tuloy na maging simula ito to open more doors sa company,” nakangiting pahayag ni Kathryn.
Malaki ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa tambalang KathNiel sa nakalipas na isang dekada.
Para kay Kathryn ay kailangan nilang gawin ni Daniel ang lahat upang masuklian ang pagmamahal sa kanila ng mga tagahanga. “May nakasama akong isang nagtatrabaho sa production and then she told me no’ng 16 pa lang siya fan na siya and now she’s working.
Sabi niya, ‘Sorry po hindi na active ‘yung iba kasi they’re working na.‘Yung iba may baby na, naka-graduate na. Mahal pa rin namin kayo. Sinu-support pa rin namin kayo.’ Meron kaming na-build na ganitong mga fans and supporters namin na they’re more than fans. Kahit may sarili na silang buhay nandiyan pa rin sila to support us.
Naghihintay lang sila silently cheering for us. They’re the best,” paglalahad ng aktres.
Regine, tanggap ang pagbabago ng singing voice
Aminado si Regine Velasquez na malaki na ang ipinagbagong kanyang boses ngayon kumpara noong kanyang kabataan. Ayon sa Asia’s Songbird ay mas pinaghahandaan niya ngayon ang bawat ginagawang pagkanta.
“You know when you’re a woman, there are so many things changing in your body. ‘Yung mga hormones, it affects your voice. No’ng bata ako parang kahit tulog ako, kaya ko kumanta. It’s not like that anymore,” pagtatapat ni Regine.
Para sa singer ay wala naman na siyang magagawa kung hindi tanggapin na lamang ang naging pagbabago sa kanyang singing voice. “It’s okay because now that I actually feel ‘yung medyo may konting difficulties at singing, mas actually naa-appreciate ko siya only because nga may konting effort na.
May effort na, kasi dati wala eh. It doesn’t sound the same. I am okay with that kasi ang weird naman kung 50 years old na tapos (ang tinis) pa rin,” pagbabahagi ng Asia’s Songbird.
Sa June 17 at 18 ay muling masasaksihan ang pagsasanib-pwersa ni Regine at ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta. Mapapanood ang Iconic concert ng dalawa sa Grand Ballroom ng Resorts World Manila.
(Reports from JCC)