Angeline, Jennylyn, at Winwyn, handa na sa panganganak!

Angeline
STAR/ File

“I am so in love with a human I haven’t met yet. See you soon Anak,” caption ni Angeline Quinto sa kanyang maternity pictorial.

Pero in all fairness, ang ganda ni Angeline.

Any moment ay manganganak na si Angeline. Lalaki ang first baby ni Angeline.

Last December lang umamin na buntis siya sa non-showbiz na partner.

Hindi pa sila kasal at may mga anak na rin ang magiging ama ng anak ni Angeline.

Isa pang any moment ay magpo-pop na rin ang bilugang tiyan ay si Jennylyn Mercado. “We can’t wait to meet you,” post naman ni Jennylyn sa kanilang maternity shoot ni Dennis Trillo. Baby girl naman ang magiging eldest ng mag-asawa.

Si Winwyn Marquez ay hindi pa rin ipinakikita ang mukha ng ama ng anak. Pulos pasilip lang sa mukha nito.

Pero ang sabi, katropa ng kapatid niyang Yeoj Marquez ang ama ng kanyang unang anak. “Whenever you’re ready my baby girl,” caption naman ni Winwyn sa kanyang pictorial.

Daming magiging April baby.

Mga kanta sa how to move on... sagot nina Jeremy at Angela

Nagsanib-pwersa sina Jeremy G at Angela Ken para sa official soundtrack ng kauna-unahang YouTube exclusive series ng ABS-CBN na  How to Move On in 30 Days na napapakinggan na ngayon sa digital music platforms.

Sina Jeremy at Angela ang nagsulat ng mga kantang Your Everything at Hanggang Sa Muli na sumasalamin sa kwento ng digital series tungkol sa pagmo-move on ng vlogger na si Jen (Maris Racal) mula sa manloloko niyang ex na si Jake (Albie Casiño) sa tulong ng fake boyfriend niyang si Franco (Carlo Aquino).

Tungkol ang key track na Your Everything sa kakaibang pakiramdam na mahanap ang isang espesyal na taong kukumpleto sa’yo. Bukod sa duet nina Jeremy at Angela, mayroon ding solo version si Jeremy ng kanta.

Samantala, heartbreak anthem naman ng serye ang Hanggang Sa Muli na inawit ni Angela at ipinapakita ang pagtanggap ng isang tao sa pagtatapos ng isang relasyon. Tinatalakay rin sa kanta ang punto kung saan nagpapaalam at nagpapasalamat ang isang tao sa dati niyang karelasyon para sa mga pinagsamahan nila.

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nagprodyus ng Your Everything at Hanggang Sa Muli.

Ngayong taon lang, inilabas ni Jeremy ang debut EP niyang “maybe forever” habang nag-release rin ng bagong single si Angela na It’s Okay Not To Be Okay at naitampok din sa isang billboard sa Times Square sa New York City para sa EQUAL campaign ng Spotify.

Show comments