‘Di pa nakaka-recover sa massive heart attack...
Tuloy ang pagtulong ng actress / singer kay Fanny Serrano. Pero ayaw na niyang magpabanggit ng pangalan.
Para sa sikat na actress / singer, nasa puso ang pagtulong at hindi na kailangang ipagsabi.
Actually, iilan ang nakakaalam na continuous ang ayuda ni actress / singer kay Fanny.
Way way back pa, noong hindi pa nagkakaroon ng massive heart attact ay tinutulungan na ni actress / singer ang sikat noong make-up artist.
At maging ang kinatatayuan palang lupa ng salon noon ng hair and make-up artist ay pag-aari ng matulunging actress / singer.
Last year nang magkaroon nga ng massive stroke ang stylist / make-up artist at since then ay labas-pasok na siya sa hospital.
Nagkaroon noon ng fake news na naka-life support na si Fanny pero itinanggi ito ng malalapit niyang mga kaibigan.
Sa kasalukuyan daw ay hindi na nakakapagsalita si Fanny kaya tuloy ang pagtulong financially ng actress / singer.
Samantala, kamakailan din ay na-hospital ang dating manager ni actress / singer at siya rin ang sumagot sa mga bayarin nito sa hospital.
Wala rin siyang pinagsabihan pero ilang malalapit sa kanya ang nagkumpirma tungkol dito.
Kilalang consistent sa pagiging generous ang actress / singer kaya naman nanatiling stable ang kanyang career hanggang sa kasalukuyan na siguro ay reward ng Diyos sa kanyang mga kawanggawa.
May your tribe increase – na hindi barya ang itinutulong niya pero ayaw niyang ipag-ingay.
Hindi niya ginagamit para sa kanyang vlog or something. Basta bigay lang siya nang bigay.
Marami kasi ngayon ang hindi nga nila sinasabi na tumulong sila, pero mapapanood mo naman sa kanilang vlog or YouTube channel.
Pero si actress / singer, ayaw umamin sa iba.