“Ang suwerte ni Sen. Koko Pimentel,” chat ng isang regular viewer ng Take It! Take It! Me Ganon?! kahapon na napapanood sa digital platforms ng Pilipino Star NGAYON.
“Tall and pretty pala si Ms. Kathryna (Yu-Pimentel), parang mas maganda pa siya sa ibang artista,” dagdag ng avid supporter habang nanonood ng TITimg kung saan sponsor ang PDP Cares Partylist na si Ms. Kathryna ang first nominee.
Iisa pa lang ang anak nila, si Helena, na ipinanganak sa kasagsagan ng pandemya kung saan nag-positive sa COVID-19 si Ms. Kathryna nang ipanganak ito na isang traumatic experience para sa kanya.
At ‘yun ang naging deciding factor ng kilala ring chef para pasukin ang pulitika matapos makita ang kakapusan at kahinaan sa pagharap sa ganung krisis ng ating bansa. “I really didn’t have plans to enter politics, even from the start. Nasabi ko na ito sa ibang interview na hindi talaga ako sasali. It just so happens in my personal experience during this pandemic, ako mismo nakaramdam na kulang pa talaga ‘yung rights ng mothers, children and unborn child sa Pilipinas.”
Dagdag niya pa : “Ipinagdasal ko muna kung itutuloy ko ‘yung partylist, then naisip ko rin na siguro nga, dahil sa nangyari sa akin personally nung pandemic, I think it’s time na madagdagan ‘yung boses ng kababaihan, ng mga kabataan at saka ng babies sa Kongreso. “Kaya sige, ilaban natin ang PDP Cares,” banggit niya sa naunang interview.