^

PSN Showbiz

Piolo, dedma sa controversial photos ni Inigo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Piolo, dedma sa controversial photos ni Inigo
Piolo
STAR/ File

Dedma si Piolo Pascual sa kumalat na nude photos ng anak niyang si Inigo Pascual sa social media habang Mahal Na Araw. In all fairness, hindi naman gaanong pinag-usapan na dahil parang ordinary na lang ang ganung photos.

Though maraming naiintriga kung kay Inigo ba raw talaga ‘yun.

Anyway, imbes na pansinin ni Piolo, mas nag-focus ang actor ngayon sa kampanya lalo na nga at three weeks to go, eleksyon na.

Kamakailan ay bumisita si Piolo sa Zamboanga Peninsula.

Ito raw ang first campaign show ng actor kung saan kasama siya ng grupo ng Ang Probinsyano ni Rep. Alfred delos Santos and Rep. Edward delos Santos.

Literal diumanong dinumog ang actor pag-landing pa lang nila sa Pagadian airport.

Pero mas ‘nagwala’ raw ang fans nang kumanta pa ang aktor ng Mangarap Ka at Hawak Kamay kung saan talagang sinuway ng fans ang security protocol para lang malapitan ang actor.

At ang consistent na sinasabi niya “Iboto lang natin ang nararapat,” aniya.

Kilala nang probinsyano si Piolo simula nang magkaroon ng pandemic.

At makikita sa mga social media update niya na na-enjoy niya ang buhay sa Batangas kaya naman hindi raw siya nag-isip nang alukin siyang ikampanya ang nasabing partylist group.

“Kami po ay tatlong taon pa lang sa Kongreso. Pero sa maikling panahong ito,  kami po ay nakapagpagawa ng mga kalsada, tulay, mga multipurpose buildings at evacuation centers sa buong bansa, bukod sa educational, livelihood, health at food programs para sa ating mga kapwa probinsyano,” banggit ni Rep. Alfred na identified din ngayon kay tito Boy Abunda na mas na-appreciate na rin ang pagtira sa probinsya.

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with