Dalawang malungkot na balita rin ang laman ng social media since Saturday.
Ito ay ang pagpanaw ng veteran actress na si Gloria Sevilla at sportscaster / DJ na si Boyet Sison na napapanood din as segment host ng TV Patrol.
Ang actress na si Gloria Sevilla ay pumanaw ayon sa naglabasang report habang natutulog sa kanilang tahanan sa Amerika sa edad na 90 years old. “Gloria Sevilla, Queen of Visayan Movies, has died in the US. She was a Sibonganhon. Tita Glo was 90 when she passed,” ayon sa post ng broadcaster at events host na si Sam Costanilla.
Si Boyet ay 58 years old at inoperahan noong Huwebes Santo pero binawian ng buhay noong Sabado de Gloria.
Last April 10 lang ng mag-complain si Boyet ng stomach pain. April 11 ng mag-post siya sa FB na “According to my CT scan Blocked daw yung large intestine ko. Going to Delos Santos Medical Center for 2nd opinion, after spending the night in VRP Med. Center.”