^

PSN Showbiz

Kit, kumpirmadong tsugi na sa serye nina Lovi at Piolo!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Kit, kumpirmadong tsugi na sa serye nina Lovi at Piolo!
Lovi
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, ngayon ang balik sa lock-in taping ng cast, staff at crew ng Flower of Evil, ang Pinoy adaptation ng Korean drama na ganoon din ang title.

Last week pa nga nakauwi ng bansa si Lovi Poe, and siguro naman nakabalik na rin ng ‘Pinas si Piolo Pascual mula sa Los Angeles, California.

Ang alam ko, bago sumalang sa ­taping ang mga artista, staff at crew ng kahit na anong lock-in ng ABS-CBN, kailangan nilang mag-quarantine ng two days, kahit hindi sila nag-abroad.

Siyempe, may pa-swab test din sa lahat para masiguradong walang positive sa kanila sa COVID-19, huh!

Anyway, tutal ay simu­la na ng lock-in ­taping para sa kanilang cycle 3, mag-announce na kaya ang mga namamahala sa Flower of Evil tungkol sa tsikang tinanggal na sa cast si Kit Thompson?

Ang balita namin, nakatakda na rin daw mag-lock-in ngayon ang Kapamil­ya actor na kapalit ni Kit sa nasabing series.

Let’s wait and see kung today ba magaganap ang official announcement ng Kapamilya Network tungkol doon!

Concert tour ni Lea sa Amerika, sold out

May concert tour din pala sa Amerika si Lea Salonga.

Actually, nagsimula na ‘yon.

Habang isinusulat ko ang item na ito, nagsu-show ngayon si Lea sa Cerritos, California.

Sabi ng auntie ng isang friend ko na nanonood, puno raw ang venue.

Sold out daw ang tickets sa show ni Lea at ayon sa isang tinanong ko, dapat ay noon pa raw ‘yon, pero nagka-pandemic nga, kaya ngayon lang natuloy.

Tsinek ko ang listahan ng shows ni Lea at ang dami pala. Karamihan daw sa mga ‘yon ay sold out na ang ticket, huh!

Ang bongga pa rin talaga ni Lea.

‘Yun na!

vuukle comment

ATENG SALVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with