^

PSN Showbiz

Noli De Castro, nagbabalik sa TV

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Noli De Castro, nagbabalik sa TV
Noli
STAR/ File

Nagbabalik si Kabayan Noli de Castro sa TV upang maghatid ng mga kwento ng inspirasyon, pagbangon, at pagtutulungan sa KBYN: Kaagapay ng Bayan.

At agad kinagiliwan ng manonood ang unang episode ng KBYN noong Linggo (Abril 10), 5 p.m. bago ang TV Patrol Weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TeleRadyo, ABS-CBN News (news.abs-cbn.com), at A2Z.

Unang itinampok ni Kabayan ang kwento ni Joana Sisracon, isang dalagang nabiktima ng sunog noong siya ay bata pa lamang na ngayon ay pinagkukunan na ng iba ng inspirasyon sa social media.

Binisita rin ni Kabayan ang mga nag-aalaga ng baboy sa Barangay San Isidro sa Cuenca Batangas, na umaaray dahil sa sunud-sunod na dagok na dumating sa kanilang pamumuhay – isa na rito ang pagkalat ng ASF (African Swine Fever) sa kanilang mga baboy.

Tinampok din ni Kabayan ang pagsisikap ng mga Aeta sa Zambales sa kabila ng hamon ng pandemya sa kanilang edukasyon, pati na ang kwento ni Gizelle Obidao, na yaya ng 50 uri ng aso sa Laguna na dati ay takot sa mga ito.

Agad namang napuri ang nasabing programa at iisa ang reaction nila : “Nakakamiss, parang Magandang Gabi Bayan.”

Samantala, sunod naman na ipapakita ni Kabayan sa Linggo (Abril 17) ang hirap na dinaranas ng jeepney drivers dulot ng pandemya na ngayon ay gumagawa ng computer tables upang guminhawa sa buhay.

Tampok din sa susunod na episode ang matinding training ng mga nanga­ngarap na maging P-Pop idols sa SBTalent Camp na nag-train sa grupong SB19.

Abangan ang iba pang kwento ng inspirasyon at pag-asa, pagbangon sa gitna ng mga hamon, at pagkawanggawa sa KBYN: Kaagapay ng Bayan, tuwing Linggo, 5 p.m. bago ang TV Patrol Weekend.

Ito nga ang TV comeback ni Kabayan matapos siyang mag-resign sa TV Patrol nang mag-file ng certificate of candidacy for senator. Pero biglang umatras si Kabayan.

Wala siyang sinabing dahilan ng kanyang pag-atras pero ang alam ng iba, diumano’y umayaw ang mga inaasahan ni Kabayan na tutulong (financially) sa kanyang kampanya.

KABAYAN

NOLI DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with