^

PSN Showbiz

Leandro, lumaki ang negosyo sa paglililok ng Santo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa ang maikling bakasyon namin sa Paete dahil nakatsikahan namin doon si Leandro Baldemor na tubong-Paete, at napakaganda ng buhay roon sa pagyabong ng kanyang negosyong wood-carving.

Ang dami ring negosyong pinasok ni Leandro, pero hindi naman gaanong nag-succeed kaya ipinagdasal daw niya sa Diyos, itong paglililok ang ibinigay sa kanya ng Diyos, pagkatapos bumagsak ang mga nasimulan niyang negosyo.

Ani Leandro nang nakapanayam namin sa kanyang tahanan sa Paete: “Naging susi ko ang Panginoon. Sabi ko, ‘Lord, bigyan Mo ako ng partida ngayon. Paparehas ako. Tulungan Mo ako, hindi ko kaya magbago.

“Ayun nag-start ako rito. Kasi noon, ayoko na ng Santo, ayoko na ng wood-carvings. Hindi ko alam, ang laki pala ng market. Buong mundo. Namali ako nang pag-aakala doon. Humingi ako ng basbas sa Panginoon. Sabi ko, bigyan Mo ako ng sign, kung ano talaga ang inegosyo ko. Kasi lahat ng negosyo ko bagsak.

“Ang una kong kliyente, ang Omakaze, ‘yung restaurant. Umorder siya sa akin ng Kokeshi dolls. Lahat ng stores ako ang gumawa nun.

“Si Daisy Reyes, nag-bakya kami, akin ‘yung kahoy, sa kanya ‘yung Swarovski. Tapos, nag-furniture ako. Ngayon, nag-Santo ako. Nung nagsimula nang mag-Santo ako, ang dami kong order.”

Tuluy-tuloy na ang paggawa niya ng mga Santo na inu-order sa kanya ng ilang mayayamang kliyente, at pati mga simbahan. Nagulat nga raw siya nitong pandemya na lalong dumami ang pa-order niya.

Bago pa mag-pandemic ay naanyayahan siyang magkaroon ng exhibit sa New York, pero hindi natuloy dahil sa nagsimula nang kumalat COVID-19 at nagkapan­demya na.

Bukod sa negosyong ito ay naging tuluy-tuloy naman ang trabaho niya sa GMA 7. Simula raw nung 2009 ay nasa GMA na siya at hindi siya nawawalan ng trabaho. At itong latest nga ay ang Lolong. “Hindi ako nawawalan sa GMA,” bulalas ni Leandro.

Dito sa Lolong ay ibinalik ang tambalan nila ni Abby Viduya. “Nag-taping kami ng Lolong, kasi gusto ngang ibalik ang aming tambalan,” pakli ng aktor.

Natutuwa raw siya na ang laki na ng ipinagbago ni Abby kumpara nung mga bata pa sila na diretso raw itong magsalita at napakaprangka. “Taklesa ‘yan si Abby e. Basta iba na siya ngayon,” sabi pa ng aktor.

Ang laki ng ipinagpasalamat ni Leandro sa Diyos dahil sa guma­ganda ang negosyo niya. Okay ang kanyang pamilya kasama ang kanyang asawa at tatlong anak, at tuluy-tuloy ang trabaho sa GMA 7 na napakabuti raw ng pagtrato sa kanya.

Shayne at Abdul, nagpasalamat sa Mamay

Dahil na rin sa dasal ni Shayne Sava at ng kanyang pamilya, natupad na rin ang matagal na niyang pangarap na mabigyan ng magandang project ng GMA 7.

Ang laki rin ng hirap ni Shayne, pati ang kanyang lola na talagang sumasama at nag-aalaga sa kanya nung sumasali pa lang siya sa StarStruck.

Ngayon ay heto na ang bagong afternoon drama na Raising Mamay na sagot sa matagal nilang ipinagdasal. “Pakiramdam ko po, eto na po ang ibi­nigay ni God para sa akin. And sobrang thankful po ako and blessed, kasi napakaganda po ng proyekto na ito, and nagpapasalamat talaga ako, dahil sa akin po napunta ‘yung role na Abbygale Sandejas,” pakli ni Shayne sa nakaraang mediacon ng Raising Mamay nung nakaraang Linggo.

Hindi raw maalis ang kabang naramdaman niya, pero mas lamang daw ang excitement niya dahil malapit na itong mapanood, sa April 25 ng hapon.

“Malapit na po nilang makita ang lahat na pinagpaguran namin,” dagdag na pahayag ni Shayne.

Makakatambal niya rito sa Abdul Raman na hindi napigilang maluha sa nakaraang mediacon dahil sa nai-relate niya ang kuwento ng Raising Mamay sa kalagayan ng kanyang ina na na-stroke nung nakaraang taon, at hanggang ngayon ay inaalagaan niya.

Ang tanging hiling niya ay marinig na raw niya ang boses ng kanyang ina, na nakaratay pa rin at personal niyang inaalagaan. “I just missed my mom. Missed ko na pong marinig ‘yung boses man lang niya po. Kasi ang tagal na pong nawala ‘yung boses niya.

“Nami-miss ko na pong kumpleto po kami including my dad. Masyado pong marami… I just want her back. If anything… well on this airing, I just want her to watch me on TV and just be proud of me,” maluha-luhang pahayag ni Abdul.

Si AiAi delas Alas ang bida ritong si Mamay na inalagaan ni Abbygale (Shayne).

Kakaibang nanay naman itong ginagampanan ito ni AiAi, kaya bumalik siya ng bansa para gawin ito.

Pagkatapos nga ng promo nitong Raising Mamay ay balik-Amerika na si AiAi para makasama ang kanyang asawang si Gerald Sibayan.

LEANDRO BALDEMOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with