^

PSN Showbiz

The Art of FU

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Bata pa lang ako mahilig na ko tumingin tingin ng mga painting. (hanggang tingin lang, no budget!) Nung nagkatrabaho na ‘ko, bumibili ako ng mga painting sa bangketa. ‘Yung ‘di mahal pero maayos naman. (masabi lang na may painting ako!) Hanggang sa naisipan kong bumili sa isang sikat na gallery, 10 years ago ito. Sabi ko, isa lang, kasi mahal. Pero para akong na-adik. Medyo nangongolekta na ‘ko. (feeling rich ha!) Minsan ginawa ko pang tambayan ‘yung mga gallery. (feeling may art appreciation!) Pinapatulan ko rin mga ribbong cutting ceremony ng exhibit, basta may libre akong painting! (lakas maka-harbat!)

Ilan sa paborito kong National Artist natin ay sina Ang Kiukok, Vicente Manansala at Botong Francisco. (pero wala ako ng mga ‘yan!) Sa mga aktibo namang artist ngayon, gusto ko sina Julmard Vicente, Bernardo Maac,  Amor Lamarroza,  Totong Francisco, Manuel Baldemor at  Angelito Antonio (actually super dami pa nila na gusto ko. Baka naman!)

2018, nang mapagtripan kong gumawa ng sarili kong artwork. (feeling artist naman ako!) Pina-frame ko at pinost sa social media. Tinawag kong “The Art of FU”.  Hindi ito for sale. Pinost ko lang. Pero may naging interesado. Binili n’ya. (aarte pa ba ako?!) Sinubukan ko gumawa ulit. Medyo dinamihan ko. Pinagpo-post ko ulit. May  mga naging interesado na naman. Binili rin nila. (‘di tinatanggihan ang grasya!)

Abstract ang mga gawa ko. Ga-ling sa puso. May kaluluwa. (feeling deep ganyan!)

Acrylic on Paper Sya.  10.5 inches by 6 inches ang sukat nung mismong artwork. (mas malaki syempre sukat ‘pag may frame na.) Sa ngayon, standard muna ang ganyang sukat.  May certain look din ang bawat artwork. ‘Pag naging familiar ka na sa itsura, kahit saan mo ‘yan makita, malalaman mong ako may gawa. (feeling may artistry ako ganyan!) Ilan sa mga huli kong nagawa ay ‘yung  Illumination series, bilang naniniwala ako sa power ng Light of the Creator. (feeling spiritual ha!)

Nakakatuwa lang dahil sa mga nangahas (o nauto?) na mangolekta ng The Art of FU.  Hindi naman sila ganun karami sa ngayon, pero nakakataba ng puso ‘yung mga nakaka-appreciate ng gawa ko lalo pa’t bago lang ako sa ganitong larangan at ‘di naman talaga ito ang aking career. (may career ba?!) Nasubukan ko na rin magkaroon ng dalawang solo exhibit at hindi matatawaran ‘yung personal na makita ‘yung reaksyon ng bawat tao. (natuwa ba naman sila?!)

May mga ilan akong artworks na naka-display sa Caballeros Art Gallery sa Tiendesitas, Emerald Mansion sa Emerald Avenue, Ortigas at sa FUk gallery sa Ortigas Center. Pwedeng pasyalan. (at higit sa lahat pwedeng bilhin!)

Kaya ngayon, lagi kong sinasabi na Television is my element, Radio is my passion and Art is my soul. (para kunwari may sense akong tao!)

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 7pm-9pm, Mondays to Fridays. TITIMG on PSN FB, 12nn-1pm, Tuesdays)

(Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu websitewww.channelfu.com 

FUK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with