Monsour, umaasang mananalo?!

Monsour del Rosario.

Less than a month bago ang Pambansang Halalan sa Mayo 9 kaya karamihan sa mga botanteng Pilipino ay nakapili na ng kanilang ibobotong pangulo at pangalawang pangulo.

Batay sa huling survey ng Pulse Asia mula Marso 17 - 21, sina VP Leni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan ay umabante na sa 24% at 15%.

Nagpapatunay diumano ito na bagamat nasa 3% pa rin ng mga botante ay nananatiling “undecided” o hindi pa nakapagpasya, ay mas dumarami naman ang mga pumipili sa kandidatong may mahusay na plataporma sa pamamahala.

Sa laban naman ng mga Senador, garantisado ang 1Sambayan senatorial block na susuportahan, palalakasin, at ipatutupad nila ang mga layunin ng Leni-Kiko tandem kung saan kasama sa senatorial slate ang kanilang pang-11 senatorial candidate ang actor na si Monsour del Rosario.

Si Monsour na kilala rin sa showbiz bilang aktor ay nagsilbi sa loob ng anim na taon bilang konsehal, at tatlong taon bilang isang kongresista ng 1st District ng Makati City.

Kilala bilang ‘Ama ng Work From Home Law’ at may-akda/sponsor ng mahigit 292 panukalang batas sa kongreso, layunin ni Monsour na ipagpatuloy ang kanyang mabuting gawain sa senado kung papalarin upang matulungan ang health frontliners ng bansa, mga atleta, mga batang may iba’t ibang kakayahan sa pag-aaral, magsasaka at ma­ngingisda, at iba pang marginalized na sektor ng lipunan.

Noong Biyernes, Abril 8, pormal na inendorso ng 1Sambayan si Monsour bilang kaalyado ng Gobyernong Tapat.

“When I was competing in taekwondo years ago, I was very proud to bear the flag of our country. That still means the same to me today,” sabi ni Monsour. “Just as I fought for the country in sports, I will be as fervent and dedicated in this fight for a seat in the senate not for myself, but for the future of our countrymen,” aniya pa.

‘Yun nga lang, hindi pa gaanong visible ang pangalan ni Monsour sa mga survey ng Top 12 senatoriables.

Show comments