Piolo todo trending nang lumantad!

Piolo Pascual.

Nagladlad na si Piolo Pascual.

Yup, as in rosas na rin ang kulay niya. Kaya naman super trending ito kahapon.

Nauna nang nag-commit si Papa Pi na sasama siya sa rally ni Presidential aspi­rant VP Leni Robredo.

May ilang nagkalat ng fake news na diumano’y sasamahan niya sa UniTeam nina presidential aspirant Bongbong Marcos and Vice Presidential aspirant Sara Duterte si Toni Gonzaga.

Pero matagal na kasing naglantad si Piolo na ang kanyang totoong kulay ay rosas.

Bongga si Papa Pi na napapanood sa sitcom na My Papa Pi kasama sina Pepe Herrera, at Pia Wurtzbach na diumano’y makakatapat ng papasok na Jose and Maria’s Bonggang Villa starring Dingdong Dantes and Marian Rivera.

 

Show comments