Ricci, pinagplanuhan si Andrea!
Pang-trending talaga ang ‘proposal’ ng UAAP player na si Ricci Rivero kay Andrea Brillantes.
Nag-propose si Ricci pagkatapos ng game nila kung saan ay nanalo ang team nila (UP Fighting Maroons) laban sa FEU.
Hiniram niya ang microphone at nag-dialogue ng : “I just wanna ask Blythe (real name of Andrea) to be my girlfriend?” sigaw ni Ricci na kinakiligan ng fans sa nag-viral na video kung saan may dalawang lalaking may hawak ng t-shirt na ang nakasulat ay yes or no.
“Yes” agad ang sagot ni Andrea.
Sa kani-kanilang social media accounts ay nag-post na rin agad sina Andrea and Ricci.
Tweet ni Andrea : “First time kong manood ng UAAP ‘di ko inasahang magkaka-boyfriend pa ako. Grabe naman ‘yan Lord,” habang hawak ang bouquet of flowers.
Si Ricci naman ay declared taken na : “Got two wins today. #UPFight Taken.”
Bago ang kanilang pag-amin ay madalas na silang nakikitang magkasama. Agad-agad naman nag-trending din si Francine Diaz dahil nag-drama nga raw ‘di ba si Andrea dahil diumano sa picture ni Seth Fedelin with Francine’s family at parang lumalabas na third party pa si Francine.
Pero walang naging paliwanag noon si Francine kaya ngayon, ang daming naaawa kay Francine.
Marami rin nag-react na ginamit pa ni Andrea si Lord na dama naman daw niyang may mangyayaring ganun after the game.
Anyway, na-take over kahapon nina Blythe (Andrea), Francine and Seth ang trending topic sa Twitter.
- Latest