P-pop na VXON at G22, mabilis nakilala
Wow, impressive ang ini-launch ng Cornerstone Entertainment na P-pop boy group na VXON (read as vision) and P-pop girl group na G22 (read as G-twenty-two).
Ang VXON ay five-member group na binubuo nina C13, Patrick, Franz, Samm and Vince habang ang G22 naman ay may apat na members na binubuo nina AJ, Jaz, Bianca, and Alfea.
Released na ang kani-kanilang singles at nag-perform na rin sa ginanap na first ever 2022 P-Pop Convention last April 9 and 10 sa New Frontier Theater and Smart Araneta Coliseum kasama ang iba pang P-Pop groups sa bansa. “We are very honored and grateful to be surrounded by such amazing artists and P-pop idols din po. It’s just so surreal and we’re so thankful,” banggit ni Jaz sa ginanap na press launching ng grupo last week.
“Finally, ‘eto na, nangyayari na and we’re happy makasama ‘yung iba pang mga P-pop groups, our brothers and sisters in one event,” hirit naman ni Franz.
“Yeah, we’re very excited po coz this event is one for the books since ito nga po ang first event kung saan, magsasama-sama lahat ng P-pop groups and we’re very excited po na makasama ang ibang P-pop groups sa isang stage,” sabi ni C13 tungkol sa naganap na P-Pop convention.
Vixies at Bullets ang tawag ng kani-kanilang fans sa kanilang grupo.
In all fairness, dumaan sila sa matinding screening kaya ang gaganda at gwapo talaga nila at papasang mga artista.
Pero pagkanta raw ang kanilang priority sa ngayon though open sila sa kahit anong pagkakataong dumating sa kanila.
The music of VXON and G22 are exclusively released, distributed and produced by Cornerstone Entertainment.
- Latest