Ngayon ko lang nalaman na sa Twitter pala, kapag merong tweet nang ilan sa mga pina-follow mo na madalas mong nila-like, ibinu-broadcast ito ng Twitter o niri-retweet nila.
Dito nabuking ang isang male news personality na masigasig sa pagpa-follow sa mga naggaguwapuhan at matikas na hunks at ang sipag din niyang magla-like.
Isang kaibigan na nagpa-follow dito kay male news personality ang nagulat nang biglang lumabas sa kanyang Twitter account ang kuha ng isang hunkadoddle na nakakaloka raw ang matigas na muscle at ilang bahagi ng katawan.
Paano raw siya nagkaroon ng ganung tweet, gayung hindi naman niya ito pina-follow?
Iyon pala ini-retweet ng Twitter mismo ang pag-like ni male news personality.
Parang ibinu-broadcast nga nilang ito ang madalas na nala-like ng isang subscriber sa katauhan ni male news personality.
Doon nakalkal ng aking kaibigan na ang dami palang mga hunk ang pinapa-follow ni male news personality at super like siya sa delicious tweets ng hunks na ito.
Meron pa ngang ibang hunk na kilalang may vidjakol, todo like din doon si male news personality.
Parang keber naman daw ni male news personality. Eh ano ba kung malamang mahilig siyang magla-like sa mga ‘adonis’ sa internet.
Bakit ba?! Parang wala naman sa kanya kung sakaling magkaalamang baklita siya.
Hindi naman ito nakakaapekto sa propesyon niya at matapang pa rin siyang maglahad ng isang report.
Pero, kapag napapanood mo siyang nagri-report sa TV, hindi napagdududahang vaklush!
Sofia and Allen, ayaw munang magjowaan
Ang suwerte ng tambalang Sofia Pablo at Allen Ansay dahil sa kanila
ipinagkatiwala ng GMA 7 at Regal Entertainment, Inc. ang mini-series sa Regal Studio Presents.
Simula sa April 24 ay mapapanood ang mini-series na Raya Sirena, tampok ang tambalang Sofia at Allen, kasama ang iba pang talents ng Sparkle at Regal na sina Saviour Ramos, Juan Carlos Galano, Jana Francine Taladro, Ayeesha Cervantes, Reins Mika, Elias Point at marami pa.
Sabi ng direktor nitong si Crisanto Aquino, bale karugtong daw ito ng Raya Sirena na napanood noon sa Regal Studio Presents at mapapanood ito ng walong linggo.
May kilig ang tambalan ng dalawang bagets na ito, pero masyado pa silang bata kaya wala raw munang ligawan.
Ipagdiriwang ngayong araw ni Sofia ang kanyang 16th birthday at si Allen naman ay 18 na.
Kuwento ni Sofia sa nakaraang mediacon ng Raya Sirena; “Most of the time, si Mommy, nandun lang siya sa standby dahil may tiwala naman siya kay Allen.
“Usually, ‘pag gabi, pagod na rin si Mommy. Tapos sabihin niya, Allen ikaw na bahala ha. Hindi naman po siya naghigpit talaga. Actually, okay na okay po siya with Allen.”
Sa trabaho muna sila naka-focus, kaya sa ngayon ay wala pa raw balak manligaw ni Allen.
Nawindang lang si Sofia, nang sinagot ako ni Allen na baka pagtuntong pa raw niya ng edad 30 saka niya ligawan ang young actress. ‘Yun ang tinutukoy niyang tamang edad para manligaw.
“Natawa lang ako kasi, ang lahat na naririnig ko, siguro mga 21, 22, 23.
“Nagulat nga po ako na 30?,” bulalas ni Sofia.
Buwelta naman ni Allen; “’Yung 30, kasal na ‘yun.”
“Sabi ko nga po kay Sofi, kung sakaling nasa tamang edad na siya, at least nakikilala na namin ang isa’t isa.”
Mukhang wala naman sa isip nilang magkajowaan.
Ini-enjoy lang nila ang kanilang loveteam, at mas naka-focus muna sila sa kanilang trabaho.
Dapat naman! Pasikatin muna nila nang bonggang-bongga ang kanilang SoLlen loveteam.