Ate Vi bibigyang-pugay sa ikalawang edisyon ng Sagip Pelikula, trono bilang aktres walang nakasungkit
Bibigyang-pugay ng ABS-CBN Film Restoration ang mga natatanging kontribusyon sa pelikulang Pilipino ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa ikalawang edisyon ng Sagip Pelikula Spotlight ngayong Abril.
Ang pelikulang Karma ni Ate Vi ang naging tampok na pelikula sa premiere. Palabas din ngayong Abril sa KTX.ph ang ilang mga restored na pelikula ni Ate Vi tulad ng Haplos, Tag-ulan sa Tag-araw, Langis at Tubig, at In My Life na may kasamang one-on-one interview sa nag-iisang Star for All Seasons kada pre-show ng bawat pelikula.
Ito ay nagpupugay sa mga indibidwal na may natatanging kontribusyon sa pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kani-kanilang restored classics online.
Sa ikalawang edisyon nito, bibigyang pansin ang naging karera ni Ate Vi sa larangan ng showbiz, na kilala rin sa kanyang mga pelikula tulad ng Lipad, Darna, Lipad!, Sister Stella L., T-Bird at Ako, Anak, Dekada ‘70, at iba pa.
Taos-puso namang nagpasalamat si Ate Via sa Sagip Pelikula sa pagsasalba ng mga de-kalibreng pelikula sa mga nakalipas na dekada.
Aniya, hindi lamang ito nagpamulat sa mga manonood ngayon sa mga makasaysayang obra kundi naipamalas din ang talento ng bawat Pilipino sa larangan ng industriya.
Mabibili na ang mga ticket nito sa https://bit.ly/KarmaOnKTX sa halagang P150.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring masasabing puwedeng pumalit sa trono ni Ate Vi na pahinga na sa pulitika matapos manilbihan bilang Mayor, Governor and Congressman.
Or baka nga wala talagang magmamana ng kanyang trono ever.
Nakakabilib din kasi siya na hindi siya napilit na kumandidato sa mas mataas ang posisyon. Samantalang, winnable siya. Iniwan ni Ate Vi ang pulitika habang andun siya sa ‘tuktok’ na walang sabi-sabi.
Ngayon din ay wala nang artistang puwedeng gumawa ng mga pelikulang tulad ng mga ginampanan niyang role.
Sadly, wala na yata kasing ginawa pati ang mga artista natin kundi ang idolohin din ang mga Korean star at mag-like ng kanilang mga post.
Samantalang ang Korean stars, parang wala namang pina-follow na local stars natin. Kung meron man, iilan lang.
Sadly ulit, wala kaming nababalitaan na may malaking Tagalog film na ipalalabas sa mga sinehan na kasalukuyang lahat foreign film ang showing.
- Latest