Ruffa Gutierrez itinangging buntis sa baby ni Herbert Bautista

Makikita sa larawang ito na magkatabi ang rumored celebrity couple na sina Ruffa Gutierrez (kaliwa) at Herbert Bautista (kanan)

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang mga bali-balitang nagdadalang-tao siya't ang komedyante't senatorial candidate na si Herbert Bautista ang ama.

Kumakalat kasi ngayon sa Youtube ang sari-saring video kung saan sinasabing buntis siya sa kambal at nagpakasal na raw sa natsi-tsismis na nobyo niyang si "Bistek."

"Good afternoon to the Titas and Titos who have made me a favorite topic at parties and dinner tables," wika niya sa mga followers ng kanyang Instagram account, Miyerkules.

"After the 75th call from a Marites, let me set the record straight. I am not pregnant with twins. I never got married. I did not have a miscarriage. I did not admit to having a boyfriend."

 

View this post on Instagram

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Nobyembre 2021 lang nang sabihin ng aktres at Miss World 1993 second runner-up na "genuinely happy" siya, matapos i-link nang marami kay Herbert. Una nang sinabi ni Kris Aquino, na ex-girlfriend ni Bautista, na "maganda" ang panibagong nobya niya — dahilan para paghinalaan nang marami na si Ruffa ito.

Marso 2022 lang nang sabihin ni Ruffa na "#1 sa puso" niya si Bistek, na siyang kinakampanya niya ngayon sa pagkasenador.

Noong buwan ding 'yon nang tila nagpasaring si Ruffa kay Kris nang sabihin ng una ang ikalawa na, "Be kind to your ex." Nasa Tarlac rally kasi para sa kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo si Kris nang sabihin niyang huwag iboto ang kanyang ex-boyfriend sa UniTeam na "hindi marunong tumupad sa mga ipinangako."

Bagama't wala pang inaamin si Ruffa kung ano na nga ba ang real score sa kanila ng dating alkalde ng Quezon City, patuloy pa rin naman siya sa pangangampanya sa kanya.

"Everyone can now take a chill pill. The only REAL NEWS is: #8 sa Senado ang iboboto ko dahil #1 siya sa puso... natin lahat!" dagdag pa niya.

Kahapon lang nang ilabas ng Pulse Asia ang panibago nilang pre-election survey, kung saan pasok si Herbert sa 14 na kandidato na may "statistical change of winning" sa pagkasenador sa Mayo.

Show comments