Enzo, sineryoso ang pagiging doktor

Enzo.

 

 

Napapanood na ngayon ang pelikulang Dok na pinagbibidahan ni Enzo Pineda. Isang malaking karangalan umano para na aktor na makaganap bilang isang duktor. “I feel honored kasi isa ito sa mga pelikula na ‘yung story, character ay hindi ko pa nae-experience. In our line of work, ‘yung mga usual po na projects na ginagawa at least naging breather ito sa akin to try something new and to try something relevant sa ating mga kababayan. Kasi we all had our own covid experiences which is why I feel that this movie is somehow relatable to a lot of us. It may not happen exactly pero similar because we all had the virus,” pahayag ni Enzo.

Bilang paghahanda ay talagang inaral umano ng binata kung paano kumilos at magsalita ang isang doktor. Mayroon ding nakasamang doktor si Enzo sa shooting habang ginagawa ang naturang pelikula. “Tinulungan ako ng anak na doctor ng producer namin na si Anthony. He was there all throughout the film, so I’m blessed kasi hindi naman ako nag-nursing or pagiging doctor pero I had the opportunity to somehow learn and feel what its like to be a doctor. Ako naman po bilang isang artista gusto ko naman po na accurate ‘yung pag-portray ko. Kasi kailangan nating iangat ‘yung quality ng work natin na ‘pag doctor ka kailangan lahat ng galaw mo, kilos at sinasabi mo ay tama. Nakapag-research ako, nakanood ako ng films about doctors para lang makuha ko ‘yung vibe, ‘yung kilos, nuances ng doctor,” pagbabahagi pa ng aktor.

Para kay Enzo ay talagang magsisilbing inspirasyon para sa mga manonood ang bagong pelikula. “This is an inspiring movie based on true events. It’s about a doctor who experienced hardships no’ng bata siya. Victim po siya ng bullying, nagkaroon siya ng mga learning deficiency. Tapos he became a successful doctor this pandemic,” pagtatapos ng binata.

Dahil sa mga ex... ‘ang dami kong bubog sa buhay!’ - Barbie

Maraming natutunan si Barbie Imperial tungkol sa pag-ibig o pagmamahal pagkatapos ng hiwalayan nila ni Diego Loyzaga mahigit tatlong buwan na ang nakalilipas.

Isang taon ang inabot ng relasyon ng dating magkasintahan. “Before kasi ang bilis kong ma-in love. Hindi naman ‘yung kung kani-kanino akong lalaki pero kapag na-feel ko ‘yung connection sa isang lalaki, kapag na-feel ko na love na love niya ako at inaalagaan niya ako, ‘Ah, baka ito na ‘yon.’ Pero na-realize ko na baka kaya paulit-ulit na nagpe-fail ‘yung relationships ko kasi hindi naman po talaga ako buo eh. Parang sa pandemic ko lang na-realize na ang dami kong bubog sa buhay. Baka ‘yon din ang isang dahilan kung bakit apektado ‘yung mga relasyon ko, ‘yung mga tao sa paligid ko,” makahulugang pahayag ni Barbie.

Matatandaang naging kasintahan din noon ng aktres sina Ryle Santiago, Paul Salas at JM de Guzman. Malaki umano ang naitulong ng mga dating relasyon ng aktres upang mahalin at alagaan muna ang kanyang sarili pagkatapos ng hiwalayan. “Every pain pala na na-experience ko from them, ‘yon pala ‘yung tutulong sa akin para mahanap ko ‘yung sarili ko. Kasi if hindi po ako nasaktan nang gano’n, kay Ryle, Paul, JM, Diego, siguro hindi rin ako matututo nang ganito and hanggang ngayon siguro takot pa rin ako mag-isa,” pagtatapat ng dalaga. Reports from JCC   

Show comments