GMA, may limang nominasyon sa 2022 New York Festivals

Julie Anne San Jose.

MANILA, Philippines — May limang short-listed entries na nakatakdang kumatawan sa bansa sa 2022 New York Festivals TV & Film Awards ang GMA 7.

2021 finalist ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) para sa segment na Bestida ni Ranelyn (Ranelyn’s Dress) na nomi­nated sa Documentary: Health/Medical Information category.

Ang long-running public affairs program naman na I-Witness ay nakakuha ng two nominations this year. Sandra Aguinaldo’s documentary Virus Hunters is gunning for a win under the Documentary: Science & Technology category, habang ang Koronang Tinik (Crown of Thorns) ni Atom Araullo makes it to the finalist spot in the Documentary: Climate Change & Sustainability category.

Isa pang gawa ng Atom ang nakapasok sa shortlist ngayong taon mula sa The Atom Araullo Specials na napuri sa Munting Bisig (Young Arms) documentary na makikipaglaban sa Documentary: Social Issues category.

Napansin naman ang GMA Synergy-produced na Limitless: A Musical Trilogy, na makikipag-compete sa Entertainment Special: Variety Special category.  Ang nasabing three-part online musical experience is headlined by Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

Noong nakaraang taon ay  nanalo ang GMA Network ng Bronze Me­dal at limang fina­list certificate sa kompetisyon, na nagbigay sa Pilipinas ng pinakamaraming bilang ng mga citation sa taong iyon.

Show comments