Alam mo, Ateng Salve, marami ang nagulat na after ng contract signing ni Lovi Poe sa Regal Entertainment, Inc. with Roselle Monteverde ay biglang nasa Los Angeles, California na siya.
Eh, natanong kasi siya sa contract signing kung ano ang plano niya dahil bakasyon naman siya sa lock-in taping ng Pinoy adaptation ng Flower of Evil ng ABS-CBN.
Sabi ni Lovi, very spontaneous siya at kung ano ang maisipan niyang gawin ay ginagawa niya.
Nang makasama nga namin si Lovi sa dinner sa Cecconi’s sa West Hollywood ay naikuwento ko sa kanya na marami ang nagulat at kasama na siya ng boyfriend na si Montgomery Blencowe sa LA.
Sabi naman ng Kapamilya Precious Jewel, that time ay wala pa talaga siyang planong umalis, pero dahil wala pa nga siyang gagawin at after Holy Week pa ang cycle 3 ng lock-in taping nila ni Piolo Pascual for Flower of Evil kaya naisipan niyang dalawin muna si Monty sa LA.
Understandable naman ang desisyon na ‘yon ni Lovi dahil pagdating naman sa relasyon nila ni Monty ay very open siya.
Anyway, that night nga pala ay katsikahan ko si Monty.
Second time ko nang makasama ang boyfriend ni Lovi kaya comfortable na ako sa pakikipagkuwentuhan sa kanya. Sa tsikahan namin, nasabi ko ‘yung reaction ng isa kong editor nang isulat ko na scientist siya. Akala ng editor na ‘yon ay nagkamali lang ako dahil mas kilala si Monty bilang Hollywood producer.
Pero isa nga talaga siyang scientist at mas gusto niya na ganoon ang itawag sa kanya.
Siyanga pala, pare-parehong nasabi nina Ogie Alcasid, Paulo Avelino, Janine Gutierrez at Leo Dominguez na sobrang bait ni Monty nang maka-dinner namin ito.
Kahit big time si Monty, napakabait niya at ang sarap pang kausap.
Kaya nga super in love sa kanya si Lovi, huh!
Sue, pinanggigilan ng fans sa broken…
Masyadong hooked sa The Broken Marriage Vow teleserye ng ABS-CBN ang maraming TFC (The Filipino Channel) subscribers, huh!
Type na type nila ang mga dialogue sa nasabing teleserye.
Galing na galing ang mga nakakatsikahan namin kina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo at Sue Ramirez
Marami rin ang gustong sampalin at sabunutan si Sue dahil sa pagpatol kay Zanjoe.
Gigil nga ang mga fan sa Amerika kay Sue.
Dahil nagre-react sila sa role ni Sue sa The Broken Marriage Vow, nangangahulugan lang na magaling talagang umarte ang girlfriend ni Javi Benitez.
Bongga. ‘Yun na!