Jake Ejercito, magpapakalma kay Jodi

Jake at Jodi
STAR/ File

Ang ganda ng The Broken Marriage Vow, ang local adaptation ng Doctor Foster and The World of The Married.

Intense ang bawat eksena nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo and Sue Ramirez.

Pinapalakpakan din ang production design nila.

Actually maraming nagsasabi na mas maganda pa ito sa original version na Doctor Foster ng UK. Ang Korean version lang ang napanood ko pero parang kinakabog nga nito.

Anyway, papakalmahin ni Jake Ejercito ang gigil ni Jodi sa pagpasok ng kanyang karakter sa pinag-uusapang teleserye na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. Bagong karakter ang gina­gampanan ni Jake bilang si Gabby, isang 32 taon na guro at MMA fighter, na posibleng pumukaw sa puso at damdamin ni Jill (Jodi Sta. Maria) matapos nilang mag-blind date.

Nakatakda namang gumawa ng panibagong gulo sina David (Zanjoe Marudo) at Lexy (Sue Ramirez) matapos nilang ideklara ang kanilang pagbabalik sa Baguio. Guguluhin nina David at Lexy ang tahimik na pamumuhay ng dating pamilya ni David na sina at Gio (Zaijian Jaranilla) dahil ipagmamayabang nila ang kanilang yaman at mansyon sa isang enggrandeng housewarming party.

Show comments