Transmitter at studio bibilhin, Chavit Singson may earnest money na sa ABS-CBN!?
Malapit na nga bang mapasa-kamay ni Narvacan Mayor Chavit Singson ang transmitter at building ng ABS-CBN?
Ayon sa isang reliable source, may earnest money or down payment na si Mayor Chavit sa ABS-CBN kaya talaga raw ‘in the bag’ o almost done deal na ang nasabing negosasyon.
Matagal-tagal na diumano ang nagaganap na negotiation between ABS-CBN and Mr. Singson kaya ‘wag daw magulat kung magkakaroon ng major announcement tungkol dito dahil nga sa earnest money, na sa nabasa ko sa https://attorney.org.ph/ “An earnest money or “arras” is usually given by the prospective buyer to the seller. This is to show that the buyer is interested in purchasing the property. The main purpose of the earnest money is to bind the bargain. It is also considered as part of the purchase price and will be deducted from the total price.”
Maaalang hindi nagtagumpay si Mr. Singson sa GMA 7 several years ago na maging investor ng Kapuso network. Kasama sa nasabing nego sa GMA 7 si Sen. Manny Pacquiao, bago pa sila nagkaroon ng matinding ‘di pagkakaunawaan.
Kinumpirma ito noon ni Mr. Singson, noong 2015, na interesado siya sa GMA 7, sa naging interview namin sa Ilocos kasama ang ilan pang entertainment press.
At mas lumakas pa lalo noon ang nasabing isyu nang mag-produce siya ng public service show titled Happy Life, para sa cable channel ng GMA.
Anyway, hintayin na lang natin ang ibang details pero ayon sa source, lahat daw ng studio at transmitter ng Kapamilya network ay kabilang sa nagaganap na bilihan.
Kasama nga ba sa bentahan pati ang ABS-CBN Sound Studio sa Bulacan kung saan nagti-taping ngayon ang Darna na ang bida ay si Jane de Leon?
Sa Ilocos na rin nagso-shoot ang cast ng Ang Probinsyano na pinangungunahan ni Coco Martin – sa mala-palasyong bahay ni Mayor Singson sa tabing dagat sa Narvacan na halos katulad pala sa mga nagsisipaglakihang bahay ng mga super sikat na Hollywood personalities sa California.
Nauna na ring nag-invest ang negosyante at pulitiko sa South Korea ng tumataginting na 100 million dollars.
Wow, grabe, ‘pag natuloy ito, baka bumalik na ang sigla sa local TV dahil tiyak na mabubuhay ang network war na natigil nang hindi pagkalooban ng franchise ang Kapamilya network.
Pero alin o saang frequency kaya ang mapupunta kay Mayor Singson sakaling mabili nito ang lahat ng ari-arian ng ABS-CBN? Na wala man sa free TV ay ramdam naman ang presence sa digital platforms at ibang programa sa TV5.
Pinagkaloob na ng NTC (National Telecommunications Commission) ang dating frequency ng Channel 2 sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ng Villar Group pero wala silang transmitter at mga kagamitan kaya diumano’y matatagalan pa bago makaere ang AMBS na napabalitang pamumunuan ni Willie Revillame.
Unless magsanib-pwersa ang grupo ni former Senator Manny Villar at Mayor Singson.
Wow, exciting times ahead.
- Latest