^

PSN Showbiz

Barbie, sumabak uli sa drama

Pilipino Star Ngayon
Barbie, sumabak uli sa drama
Barbie.

Sasabak si Barbie Forteza sa heavy drama ngayong gabi sa bagong episode ng Magpakailanman, sa episode na Bipolar Mom (#MPKBipolarMom) kung saan gaganap na ina ni Barbie si Jackie Lou Blanco, hosted by Mel Tiangco.

First love niya ang ‘drama’ at lately, napapanood siyang pasayaw-sayaw sa All-Out Sundays kaya sabi ni Barbie ay nami-miss niya ang umarte. Though aminado siyang challenge rin sa kanya ang sumayaw.

Si Barbie ang tinaguriang Tween Queen ng GMA o reyna ng mga Kapuso female teenstars pero ‘yun nga, hindi na teen si Barbie, kaya wala siyang choice kundi ipasa ang nasabing korona.

Sino kaya sa mga female youngstar ng GMA ang nakikita niyang puwede sa iiwan niyang trono? “Ang tagal ko nang hindi naririnig ‘yang Tween Queen,” bulalas ni Barbie. “Naku, para sa akin naman e, lahat deserving!

“It’s not for me to decide, kasi lahat sila deserving,” sabi pa ng young actress na Primetime Princess ang bagong title.

Isang anak na walang sawang minahal at inalagaan ang kanyang ina na may mental illness na Bipolar Disorder ang gagampanang papel ni Barbie sa nasabing kuwento ngayong Sabado kaya talagang hindi madali.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with