Ang Lalong Umiinit na WTFu!

Napaka-espesyal sa’kin ng youtube channel naming WTFu. (kahit puro kalandian ang content n’yan ha!) 5 years ago nang maisipan namin ni Direk Lex Bonife na gawin ang channel na ‘yan. Dahil wala pa kaming budget, ang unang naging konsepto ay “man on the street” interviews. ‘Yung mangungulit lang ako ng mga naglalakad sa kalsada at si Direk Lex ang cameraman. (sanay akong manghatak ng lalaki sa kalye!) Naging maganda naman ang pagtanggap ng viewers pero parang medyo napagod kami. Kaya nagpahinga muna at naging abala sa ibang bagay. (parang um-attitude kami ha!)

2018 nang mag-decide kaming i-revive ang channel pero gusto naming ibahin na ang format. (‘yung pang Netflix! Chos!) Nung mag-meeting kami ni Direk Lex, ang proposal ko ay isang show na magtatampok ng mga success stories ng mga tao. (‘yung pang CMMA awards or Peabody ganyan!) Pero iba ang nasa isip ni Direk Lex. Ang gusto n’ya, magi-initerview ako ng poging lalaki bawat episode. One-on One interview. (nang nakaupo na kami, hindi na sa kalsada!) Na-convince naman n’ya ako agad. (syempre lalaki ang involved! ) Pero may deal. Ang sabi ko, kapag hindi um-effect ang konsepto n’ya, pagbibigyan n’ya akong gawin ‘yung  pag-feature ng inspiring stories ng mga successful people. Pumayag naman s’ya.( feeling n’ya kasi magwawagi naman ang mga lalaki!)

Nagsimula kami sa taping ng dalawang episodes. Bawat episode isang male model. Naughty and Funny ang bentahe ang interview. In-edit. In-upload. Bumenta. Sabi ni Direk Lex, sundan pa ng dalawang pang episodes. Nag-taping kami ulit, ibang mga lalaki naman. In-edit. In-upload. Bumenta na naman.  Kaya ayun nagtuloy tuloy na ang ganitong konsepto. (aarte pa ba ako?!)

Halos apat na taon na namin itong ginagawa. Lahat ng “er” na-interview ko na. (lawyer, waiter, gym trainer,  construction worker, baker, barker, kahit pa nga healer!) Marami na ring sumalang na celebrities at artista. (nilandi ko na rin silang lahat!) Nakapag-produce na rin kami ng sampung reality shows.  (feeling PBB!) Ilan sa mga ‘yan ay The Boys: The Search for the Ultimate Bikini Boylet Seasons 1 and 2,  (taray ng may 2 seasons ha!) PBB: Palarong Boylets and Bekis, (pangtapat namin kay Big Brother!) The Sponsor (na kwento ng mga lalaking may gay benefactors ha!)  The Felix Bakat Dance Challenge, (basta may pa-bakat!), Wish ko Hunk (dinaig ang Ate Vicki Morales mo!) Mr.Fu’s Next Top model (feeling Tyra Banks!) at Mr. WTFu (lakas maka-ginoong Pilipinas!)

Nagpapasalamat kami sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa aming channel. (Para sa ekonomiya! Para sa bayan!) Sa ngayon, maliban sa youtube, mapapanood na rin ang WTFu sa facebook at may exclusive content na  for subscribers sa www.patreon.com/wtfu at sa sarili na naming streaming site na www.channelfu.com. Kaya lalo pa naming paiinitin ang bawat episode. Tuloy lang ang ligaya! (‘di kami titigil hangga’t may lalaki sa mundo at sa buong universe!)

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 7pm-9pm, Mondays to Fridays. TITimg on PSN FB, 12nn-1pm, Tues
(Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

Show comments