Ogie nagpaka-generous, paunine nag-solo sa pamamasyal

Alam mo, Ateng Salve, ang sweet talaga ni Lovi Poe at ng boyfriend niyang si Montgomery Blencowe. Nag-invite kasi ang mag-sweethearts na mag-dinner kasama sina Leo Dominguez, Ogie Alcasid, Paulo Avelino, Janine Gutierrez, Freddie Blasco, Ivory Guanzon at Rey Lañada.

Sa Cecconi’s West Hollywood, California ang venue ng dinner namin noong Tuesday (kahapon ng tanghali sa Philippines). Ang saya lang ng tsikahan dahil puro good vibes lang ang pinag-usapan ng grupo.

Nauna kami nina Paulo at Janine sa dinner at nang dumating sina Lovi at Monty, ipinakilala ng una ang kanyang boyfriend sa PauNine. Sey naman ni Lovi sa akin, “Tito Jun, ikaw ang nauna sa lahat. You met Monty last year pa. Silang lahat (mga ibang invited sa dinner), ngayon pa lang nila makikilala.”

Actually, touched nga ako kay Lovi dahil sabi sa akin ni Leo, kabilin-bilinan ng dalaga na isama ako sa dinner na ‘yon.

Anyway, na-late ng dating sina Leo, Ogie at ang iba pa dahil galing pa sila sa may Glendale. Nagkamali raw kasi ng address na pinin sa Waze.

Sabi ni Ogie, masayang katsikahan si Monty na sobrang ma-PR at kahit sina Paulo at Janine, enjoy na katsikahan ang karelasyong si Monty.

At sa mga gustong malaman kung bakit maagang dumating sina Paulo at Janine sa dinner namin, ang sagot ay galing kasi sila ng Venice Beach. Namasyal sila at sobrang enjoy daw.

Eh, babalik pa sana sila sa hotel nila, pero wala raw ride sharing vehicle na tumatanggap sa kanilang booking pa-Glendale kaya dumiretso na sila sa West Hollywood. Mas malapit kasi ang WeHo sa Venice Beach.

Yes, sobrang ine-enjoy nina Paulo at Janine ang mga free day nila at namamasyal talaga sila.

Noong Monday nga, nakapag-Malibu Beach pa sila at nag-dinner din sila sa isang sushi restaurant sa Pasadena and after, dumiretso pa sa isang restaurant sa WeHo rin at nakipagkita sa ilang mga kaibigan.

Obvious na sobrang saya nina Paulo at Janine kapag magkasama sila.

Siyempre, happy na lang kami for them at ayaw naman naming kulitin sila na umamin, huh!

Ang bongga nga pala ni Ogie, Ateng Salve, dahil alam mo ba na walang kamalay-malay sina Lovi at Monty na pinakuha na pala ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid ang bill namin.

Sa madaling salita, si Ogie ang nag-treat sa aming lahat. Ang generous talaga ng isa sa hosts ng It’s Showtime.

‘Yun na!

Show comments