'Be kind to your ex': Ruffa Guttierez bumwelta vs Kris Aquino sa parinig kay Herbert Bautista?

Litrato ng usap-usapang showbiz couple na sina Herbert Bautista (kaliwa) at Ruffa Gutierrez (gitna) katabi ng litrato ni Kris Aquino habang nasa rally ni VP Leni Robredo sa Tarlac, ika-23 ng Marso, 2022
Mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez; Released/VP Leni Robredo Media Bureau

MANILA, Philippines — Tila nagpasaring si Ruffa Gutierrez sa kapwa ka-showbiz na si Kris Aquino dahil daw sa hindi magandang pakikitungo ng huli sa kanyang dating karelasyon — bagay na pinaghihinalaan nang marami bilang si 2022 senatorial candidate Herbert Bautista.

"Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex," wika ni Ruffa, Huwebes, sa isang paskil sa Instagram. Matagal nang nababalitang may relasyon sina Ruffa at Herbert.

 

View this post on Instagram

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Miyerkules nang balaan ni Kris ang mga botante ng Tarlac tungkol sa kanyang ex-boyfriend na "hindi dapat iboto," na siyang kumakandidato raw sa ilalim ng UniTeam Alliance ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Tanging si Herbert ang opisyal na UniTeam senatorial candidate na ex-boyfriend ni Kris. Aniya, "hindi tumutupad sa pangako" ang dati niyang nobyo.

"Sinabi mo 'yong may karelasyon. 'Di ba 'yung isa, nasa Uniteam, 'yung ex?  Oh, 'wag niyo iboto ‘yon ah. Sayang ang boto dahil hindi [siya] marunong tumupad sa mga ipinangako. Dedma please," ani Kris habang hinihikayat ng aktres na si Angel Locsin ang publikong iboto si VP Leni.

Wala pang komento si Bautista tungkol sa isyu ngunit siya ang pinag-uusapan ng netizens sa comments section ng post ni Ruffa.

Nobyembre 2021 lang nang sabihin ni Ruffa na "genuinely happy" siya noong usap-usapan pa lang na may namamagitan sa kanila ni Herbert. Marso lang nang tawagin ni Ruffa si Herbert bilang "#1 sa puso" niya, dahilan para isipin nang maraming confirmed ang kanilang pagjojowaan.

View this post on Instagram

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Dating magkasama sa Kapamilya show na "The Buzz" sina Kris at Ruffa, bagay na nauwi noon sa ilang alitan noong 2010. Nagkaayos din sila noong taong ding 'yon.

'May respeto si Leni sa batas'

Ipinaliwanag naman ni Kris sa kanyang mga kababayan sa probinsya ng Tarlac, kung saan din nangyari ang malagim na Hacienda Luisita massacre, kung bakit dapat si Bise Presidente Leni Robredo ang dapat ibotong presidente sa 2022.

Aniya, mahalaga ang gagampanang papel ng bise presidente sa lalong paglalayo ng Pilipinas sa malagim na kahapon ng diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

"May respeto siya [Leni] sa batas, ipaglalaban niya ang demokrasya. Nakiki-usap po ako: ‘Wag tayong pumayag na mawala itong muli. Ipaglaban po natin ang ating karapatan, na never nang bumalik ang diktadurya," ayon sa aktres na kapatid ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.

"Nandito po, it is my pleasure and my honor, dahil nandito ako sa Tarlac, ni-request ko na ako ang gagawa nito, our future president, because the last man standing will be a woman, Leni Robredo." — James Relativo

Show comments