Sa mga nakakasubaybay sa’kin sa radyo, alam nila na si Emily ang loyal (pero may pagka –bruha) kong assistant. (na 11 years ko nang pinagtyatyagaan!) Kapag nagbabakasyon ‘yan, (para lumandi!) Si Cheska ang pumapalit sa kanya pansamantala. Magkasing edad sila (mga 108 years old na!) Parehong masipag. Parehong may malasakit sa akin at sa trabaho. (medyo charotera ako sa part na ‘to!)
Maliban sa pagiging “reliever” ni Emily, Si Cheska ay manager ng isang BPO. Naging administrative officer ng isang kumpanya at limang taon naging barista sa isang sikat na coffee chain. (kaya rin tumulay sa piniritong miswa!)
Nitong nakaraang buwan, nasimulan n’ya ang isang matagal na n’yang pangarap. Ang magkaroon ng sariling coffee shop. (kumikitang kabuhayan ang ate mo!)
“Dream ko talaga ‘yung makapag-manage ako ng sarili kong coffee shop. Matagal din ‘yung experience ko bilang barista kaya napamahal na sa’kin ‘yung paggawa ng kape. “ Saad ni Cheska. (napamahal din kaya sa’kin ‘yung mga boys na nai-interview ko?!)
Isa ako sa mga kinunsulta n’ya at nag-request na tulungan ko s’ya sa konsepto. (buti na lang hindi pera ang hiningi!) Gusto n’ya sa’kin manggaling ang pangalan ng kanyang negosyo at ng mga gagawin n’yang kape. (so, may panggagamit na ginawa sa’kin!)
“Marami akong alam gawing timpla. Pero syempre gusto ko creative ang presentation at concept. Kaya dapat talaga napag-uusapan ng mabuti. “ Paliwanag ni Cheska. (inuuto mo pa ako!)
Matapos ang ilang meeting (feeling professional ha!), naitayo ang :
“Joon Joon. coffee.art. love” sa Margie Moran Street, BF Resort Village Las Pinas. Ang “Joon” ay maraming ibig sabihin. Sa Korean, “talented, handsome or gift of God”. Sa Japanese, “pure, clean and simple. Sa Persian: “soul or spirit.” (so, nilusot ko talaga na may meaning ang joon joon!)
Tampok syempre sa Joon Joon ang mga special blends ni Cheska. (na binigyan ko ng mga nakakaintrigang title!) Ilan na nasa kanyang menu ay: Mang Kanor (Café Americano), All the Way (Caramel Macchiato), Like a Virgin (White Chocolate Mocha), Sex Symbol (Café Mocha), Tina M (latte), Happy Ending (Café Miso), Extra Service (Espresso Con Panna), X-Rated (espresso shot) at marami pang iba. Meron din syang mga non-coffee drinks tulad ng Chorva (white chocolate) at ang WTFu (signature chocolate) na inspired ng aking Youtube Channel. (sana makatulong sa exposure ha!) Napakarami pang choices na may nakakawindang na pangalan. (syempre ako ang may pakana!) Nabanggit ko na nga kay Cheska if pwede s’yang gumawa ng dalawang karagdagang concoctions tapos tatawagin n’yang TiTiMg ( Take it Take it Meganon ‘yan ha!) at ang pangalan ng column natin na NakNgFU. Syempre, oo agad ang sagot n’ya. (as if naman kaya n’yang tumanggi!)
“Walang problema ‘yan. May naiisip na nga akong drink para sa mga ‘yan. I-dedicate ko kina Ms. Lolit Solis at Ms. Salve.” Sabi ni Cheska. (Naku, Salve ayaw ni….!)
Hindi pa ganun kalaki ang Joon Joon. (maya-maya, lalaki rin ‘yan!) Pero nangahas na sila na maliban sa mga kape, meron din mga artworks ng iba’t ibang artist for display (syempre hiniram lang n’ya sa’kin ‘yung mga painting d’yan!). Makikita d’yan ‘yung ilang personal kong koleksyon at ‘yung pinakamalaking nagawa kong “The Art FU” (feeling artist!) Gusto rin kasi ni Cheska na magdaos ng exhibit sa Joon Joon ‘pag kaya na. (‘yung a-attend, bibili ng kape at ng painting!)
Nakaka-proud lang na ‘yung mga nakakasama mo sa trabaho ay nakakapagsimula nang magnegosyo at matupad ang kanilang pangarap. (pero tulad ni Emily, ayaw magpakita ng kanyang litrato si Cheska. Gusto pa ata magpa-pictorial muna!)
“Marami pa kaming aayusin pero nakakatuwa na 'yung good feedback na nakukuha namin. Nagpapasalamat kami at lalo pa naming pagbubutihin para mas malayo pa ang marating ni Joon Joon. “ Bida ni Cheska. ( Patikim ng Joon Joon!)
(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 7pm-9pm, Mondays to Fridays. TITimg on PSN FB, 12nn-1pm, Tuesdays)
(Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )
(note: photos on separate email. Thanks) the art of FU sa Joon Joon(hand with coffee : WTFu signature chocolate)