Mike Enriquez, sasabak na sa Presidential Debate ng Kapuso Network
Ang harapang tatapos sa lahat ng harapan.
Ganito inilalarawan ng GMA Network ang Debate 2022: The GMA Presidential Face-Off sa 24 Oras reveal nito nitong Lunes.
Sa April 30 ang airing date ng nasabing debate–sakto sa nalalapit na May 9 presidential elections.
At kasama na si Mike Enriquez. Yup, sina GMA News pillars Mike Enriquez at Mel Tiangco nga ang magsisilbing panelists habang ang kapwa nila pillar na si Vicky Morales at veteran broadcast journalist na si Pia Arcangel ang tatayong moderator sa paghaharap ng presidential candidates.
Darating kaya sa nasabing debate si presidential candidate Bongbong Marcos?
Sayang kundi siya darating dahil tiyak na gagawa ito ng ingay.
‘Di ba nga’t ilang araw na pinag-usapan ang presidential interviews ni Jessica Soho nitong Enero?
Hmm, sinu-sino kaya ang kakasa sa hamon ng debate ng GMA?
Pero ‘yun nga, sana talaga ‘yung mga tsansa na lang sa election ang mag-debate.
Nakakaantok ang tagal ng mga debate kung 9 to 10 candidates ang panonoorin mo at sasagot sa isang tanong o isang topic.
- Latest