Alam mo, Ateng Salve, good vibes lang talaga ang naramdaman ng lahat sa Flying V Arena (dating San Juan Arena) nang mag-propose ang PBA heartthrob na si Jeron Teng sa girlfriend niyang si Jeanine Tsoi noong Monday night.
Bale 28th birthday rin ni Jeron that day, kaya mas meaningful daw ‘yon na na-engage na nga sila ni Jeanine.
Ang saya rin na kumpleto ang pamilya ni Jeron headed by his dad, PBA legend Alvin Teng, his mom Susan, and siblings, Alyssa, Jeric and Almira, at siyempre, close friends.
‘Katuwa rin na hindi kami kinalimutang imbitahin ng pamilya Teng sa important event na ‘yon sa buhay nina Jeron and Jeanine dahil para na rin kaming parte ng kanilang pamilya.
Napuno nga ng iyakan ang venue habang nagpo-propose si Jeron kay Jeanine.
Biniro nga namin ang ang ate ni Jeron na si Almira (naging co-host sa Wowowin ng GMA 7) dahil mas malakas pa ang iyak niya kumpara kay Jeanine, huh!
Sabi ng pamilya Teng, masaya silang lahat na November of next year ay magpapakasal na ang kanilang ‘Syoti’ (bunso) at si Jeanine dahil alam daw nila na sobrang mahal na mahal ni Jeron ang dalaga.
Congratulations, Jeron and Jeanine!
Sue, ayaw ipapanood kay Javi ang Broken Marriage…
Isa si Javi Benitez sa mga imbitado sa proposal ni Jeron kay Jeanine.
Close friends sina Jeron at Javi noon pang Xavier days nila. Bukod sa classmates, sobrang close friends sila. Barkada talaga.
Lumuwas pa mula sa Bacolod City si Javi dahil gusto niyang ma-witness ang proposal ng kaibigan kay Jeanine.
Nang tanungin ko ang mga kabarkada nina Jeron at Javi kung ang huli na nga ba ang susunod na magpo-propose, yes ang sagot nila.
So, biniro ko si Javi na sila na ng girlfriend niyang si Sue Ramirez ang susunod kina Jeron at Jeanine.
Natatawa lang si Javi na obvious namang sobrang in love kay Sue, huh!
Hindi pa rin daw niya masasagot ‘yon dahil sa ngayon nga ay busy rin siya sa kampanya dahil kumakandidato siyang alkalde sa City of Victorias sa Negros Occidental.
Samantala, very proud si Javi sa mga papuri sa girlfriend niya para sa teleserye ng ABS-CBN, ang The Broken Marriage Vow, pero ayaw raw ni Sue na manood siya para hindi na lang daw siya mag-react sa mga eksena nito.
Well... ‘Yun na!