John Vic, napagsabay ang training sa National Volleyball team at Air Force
Certified Air Force reservist na ang Kapuso hunk at Philippine men’s national volleyball team captain na si John Vic De Guzman.
Naka-graduate noong nakaraang linggo si John Vic sa kanyang military training kung saan nakasama niya si Geneva Cruz.
Nagawang ipagsabay ni John Vic ang military training sa pag-ensayo niya para sa SEA Games sa buwan ng Mayo. “Nakiusap po ako sa coaches ko, and good thing naman kasi sa Air Force rin ‘yung coaches ko. In-allow ako na mag-join. Flight Charlie ako po ‘yung ginawang leader, and then under ko po si Miss Geneva. Nakakatuwa kay Miss Geneva, may words of wisdom siya para doon sa mga female na pumasok sa military training.”
Naging isa sa instructors nila ay ang Kapuso hunk na si Jay Arcilla na hindi nagbigay ng special treatment kina John Vic at Geneva.
Post pa ni John Vic sa social media, unforgettable raw ang hirap na pinagdaanan nila sa kanilang training. “The past weeks had been so challenging, juggling National Volleyball Team training and Philippine Air Force Reservist Military camp training at the same time. But I must say its all worth it bec. not everyone is given the opportunity to represent and serve their country. Ito po ang aking simpleng ambag bilang Pilipino – makaka-asa po kayo sa aking serbisyo. SBCMT Sergeant John Vic De Guzman, reporting for duty.”
Napapanood every week si John Vic sa The Boobay And Tekla Show bilang member ng Mema Squad.
Justine Bieber, natakot nang magka-blood clot sa utak ang misis na si Hailey
Nagbigay ng update si Justin Bieber tungkol sa kalusugan ng kanyang misis na si Hailey Bieber pagkatapos itong madala sa ospital noong magkaroon ito ng blood clot sa utak.
Inamin ni Bieber na natakot daw siya dahil wala naman daw siyang naramdaman na kakaiba sa kinikilos ni Hailey noong magkasama sila noong umagang iyon.
Doon niya na-realize na wala tayong kontrol sa mga puwedeng mangyari.
Ayon sa Canadian pop star: “It’s kind of crazy how life randomly throws you curveballs. You can’t really control much. Most of you probably know or have seen the news about my wife… but she’s okay, she’s good, she’s strong. It’s been scary, you know, it’s been really scary. But I know for a fact that God has her in the palms of his hands, and that’s a good thing.”
Sa isang ospital sa Palm Springs, California nadala si Hailey pagkatapos itong makaramdam ng stroke-like syndrome.
Ayon sa medical report ni Hailey, ang naranasan daw nito ay sakit “for much older people.” Hailey is only 25 years old.
- Latest