Lahat ay natuwa sa kumpirmasyon ni Angelica Panganiban na buntis nga siya.
Sa post ng aktres kahapon ay inaamin niyang magkakaanak na nga sila ng karelasyong si Gregg Homan.
“Ay! Na post!! “
“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka-hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.
“Opo, may matres ako mga baklaaah!, ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu, may pamilya na ko kaiyak pramis,” ang buong post ni Angelica kalakip ang sonogram ng kanilang magiging baby.
Meron din siyang inilagay na video ng nasabing sonogram at rinig sa boses niya ang sobrang excitement sa nasabing pagbubuntis.
Matagal nang live-in sina Angelica at negosyanteng si Gregg Homan sa Subic.
Wala namang ibang detalyeng binanggit si Angelica kung ilang buwan na siyang nagdadalang-tao.
Kabilang si Kim Chiu sa super happy na magiging mommy na ang kaibigan. “OMG!!!!!? finally secret is out!!!!super happy for you momsy!!!! I love you so much! You deserve every blessing na natatanggap mo ngayon?,” comment ni Kim na isa sa closest friends ni Angelica.
Ganundin si Bea Alonzo na obvious na kabilang sa mga unang pinagsabihan ni Angelica ng kanyang pagbubuntis. “Ayan na!!! ,?” comment ni Bea.
“Te Angge, nakakaiyak to. Congratulations,” sabi naman ni Angeline Quinto na magiging mommy na rin next month.
Ayon naman kay Mariel Rodriguez : “Congratulations sooooooooo happy for you!!! You will be an amazing mom!!!!”
Kabilang din sa mga nag-congratulate sa Kapamilya actress sina Marian Rivera, Vhong Navarro, Sarah Lahbati, Pauleen Luna, Lotlot de Leon, direk Antoinette Jadaone, Ria Atayde, Camille Prats, Jolina Magdangal, Barbie Imperial, Maja Salvador, Janine Gutierrez, bff niyang si Glaiza de Castro at marami pang iba.
Si Zanjoe Marudo naman ay nag-volunteer na mag-ninong sa baby.
Ang pagbubuntis ni Angelica ang rason kung bakit hindi siya natuloy sa My Papa Pi with Piolo Pascual and Pepe Herrera. Pinalitan siya ni Pia Wurtzbach at nag-umpisa na itong mapanood last Saturday.
Movie industry, hindi masyadong pinag-uusapan ng mga kandidato
Parang sa rami ng mga political debate, hindi pinag-uusapan ng mga kandidato ang kanilang plano sa movie industry.
Or baka naman nakatulugan ko na sa panonood dahil ang tagal ng mga ginaganap na forum and debates.
But anyway, sa rami ng mga sumusuportang celebrity kay Presidential candidate Leni Robredo, siguradong alam na nito ang gagawin kung sakali.
Hanggang ngayon nga since magbukas ang mga sinehan after almost two years, wala pang Ipinalalabas na Tagalog film.
Lahat foreign films kabilang na ang Spider-Man na ilang buwan na ring nasa sinehan.
Sana nga ay pag-usapan din ang tungkol sa movie industry ng lahat ng mga presidentiable.
Dingdong, big fan ni Steve Harvey sa Family...
“We have big shoes to fill dahil sobrang sikat siya all over the world and personally isa rin akong fan ng style ni Steve Harvey. Pero siguro ang kagandahan dito, ‘yung mga tanong pa lang kasi very Pinoy na. Doon pa lang very relatable na kaya magiging super relaxed na lahat ng nanonood,” shared Dingdong Dantes sa pag-uumpisa ng Family Feud ngayong hapon sa GMA 7.
At habang ipinakikita niya ang confidence at natural talent sa pagiging host ng popular game show umamin ang actor na parang naglalaro rin siya habang ginagawa ang trabaho.
Ginawa umanong mas kakaiba at nakakaaliw ang lokal na bersyon ang mga tanong sa survey at madaling maka-relate ang viewers.
Dalawang pamilya ang maglalaban na mag-uunahan sa tamang sagot base sa ginawa nilang survey.
Ang mananalo ay mag-uuwi ng P100,000 at additional P100,000 kung mananalo pa sila sa jackpot round.