^

PSN Showbiz

Actor / politician pinag-uuntog ang ulo ng ex sa kotse, Isa pang ex tumalon sa kotse!; mga marites, active ang sawsaw kina Kit at Ana

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Actor / politician pinag-uuntog ang ulo ng ex sa kotse, Isa pang ex tumalon sa kotse!; mga marites, active ang sawsaw kina Kit at Ana

Sari-sari na ang opinion sa pananakit ni Kit Thompson sa sexy newbie na si Ana Jalandoni.

Kaya hinihintay ang official statement nila sa mga pangyayari.

Pero sana, ‘wag nang sumawsaw ang iba.

Sumawsaw na kasi sa isyu ang ibang self-proclaimed marites.

May ilang pa-blind item ang ibang nakikisali.

Si Ana ang sinasabi nilang may isyu sa ibang lalaki kaya diumano’y sinaktan ng karelasyon.

As if may matibay silang ebidensiya o firsthand ang information niya.

But anyway, dahil sa isyu kina Kit at Ana, naungkat ang pananakit ng isang actor / politician sa kanyang ex-girlfriends.

Detalyado ang sinasabing pananakit ng actor / politician sa mga nakarelasyon base sa natanggap kong convo ng dalawang non-showbiz GF ni actor / politician at ng isang common friend nila.

Nag-umpisa ang kuwento tungkol sa longtime girlfriend ni actor / politician – from 2018 til November 2021.

Hindi diumano ito naging loyal sa girlfriend. Na bukod sa side chicks, diumano ay sinasaktan nito ang karelasyon – physically and verbally.

Ayon sa usapan nilang tatlong – dalawang ex GF at common friend – iisa ang karanasan ng dalawang babae sa piling ng actor  / politician.

Merong isang chat ang ex ni actor / politician na tumalon daw siya ng kotse para isalba ang sarili sa ex. “Yes. I actually can’t remember what transpired. But I jumped out, it was to save myself,” aniya sa pag-uusap nila.

Pareho rin nilang sinabi na mahusay magsinungaling ang actor / politician.

Pero sabi ng isang ex, pinapasa-Diyos na lang niya ang mga ginawa nito sa kanya. Pero hindi niya (ex 1) nakakalimutan kung paano siya nito pinaghahampas sa ulo. “One time we had a fight sa car nya. Tumigil siya then pinaghahampas niya yung ulo ko. Wala akong nagawa. Sa laki niyang ‘yon. Coz hes always telling me na ang bobo ko and tanga ko,” sabi nito sa kanilang pag-uusap.

Pero nakaka-recover na raw siya sa kanyang traumatic na karanasan sa ex. “I’m getting better naman everyday. A lot better kesa nung kami pa. Now mejo im gaining my confidence na kinuha nya.”

Dagdag ng ex 2 : “Hindi masyadong malakas yung una. Ung 2nd naman natadyakan niya ako sa neck na choked ako. Pero parang ‘di siya aware na ginawa niya ‘yon. Tingin ko talaga kumausap na yon ng doktor. Kung hindi baka police na kumausap don sa sususunod.

“He has anger management. Sobrang verbally abused ako.”

Ang haba ng pag-uusap ng dalawang ex at common friend nila tungkol sa naging karanasan sa nasabing actor / politician na pinakita sa akin at may names sila pero ang pakiusap nila ay ‘wag ilabas ang kanilang pangalan dahil sa takot na may gawin sa kanila ang nasabing actor/politician na parang isang umbag lang ay tulog ang tatamaan.

ANA JALANDONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with