Kinumpirma ng kinauukulan
Na-inquest na ang aktor na si Kit Thompson nung Biyernes, March 18, ng hapon.
As of yesterday morning nang na-check namin, nakakulong pa rin ang aktor pagkatapos siyang na-inquest ng reklamong Violation of Sec. 5A and of Rep. Act. 9262 kay Tagaytay Asst.l City Presecutor Atty. Rainier B. Desecada.
Nakapanayam nung Biyernes nina Ka Tunying Taberna at Gerry Baja ng programang Dos por Dos ng DZRH ang Tagaytay PNP Chief Rolando Baula.
Pahapyaw niyang ikinuwento na ayon daw sa salaysay ni Ana, nag-check in daw sila ni Kit sa isang hotel sa Tagaytay nung Huwebes bandang 6:10 ng gabi.
Nagkainuman daw sila at sandaling nagkakuwentuhan, pero bandang huli ay nagtatalo na raw sila.
Ilang sandali ay tumawag daw si Ana sa isang kaibigan, pero mahina raw ang signal sa kanilang kuwarto, kaya umakyat daw ito sa 3rd floor ng hotel.
Nagtagal daw siya roon hanggang sa nakatulog.
Dagdag pang pahayag ni Col. Baula; “Hinanap na ng lalaki ang babae. Nakita niya doon sa 3rd floor, binuhat niya at dinala sa kanilang kuwarto.
“Doon niya in-assault at sinaktan ang babae. Nagkaroon ng bruises at hematoma. As of now, nasa hospital pa siya… medyo tinitingnan pa. Conscious naman, pero malalim ang tinamong sugat.”
Pagkatapos na-inquest ang aktor, nag-post naman si Ana sa kanyang Facebook account ng isang cryptic message at sinabi niyang magbibigay siya ng pahayag isa sa mga araw na ito.
Sa FB post niyang ‘yun ay meron nang mahigit 200K reactions, mahigit 100K shares at halos 18K comments.
Ang dami na ngayong nakisawsaw sa isyung ito.
Nagbigay rin ng pahayag ang Gabriela, at meron na namang nagkakalat ng tsismis na lalaki raw ang dahilan kung bakit nagalit nang husto si Kit at nasaktan niya ang kasintahan.
Bago pa nangyari ang naturang gulo natsismis pa noon na nagdadalangtao na si Ana. Pero hindi na ito naungkat ngayon.
May pelikula pang prinodyus si Ana ang Manipula, kasama si Aljur Abrenica na dinirek ni direk Buboy Tan.
Hindi pa ito naipalabas, pero NAI-promote na nila ito ni Aljur nung nakaraang taon.
Xian, bibiyahe kasama ang Kapuso
Mukhang mapapaaga na ang airing ng first drama series ni Xian Lim sa GMA 7, ang False Positive kasama si Glaiza de Castro.
Sa pagkakaalam ko, sa False Positive lang nakakontrata si Xian sa GMA 7 at hindi naman exclusive contract.
Pero considered as Kapuso na si Xian dahil kasama na siya ni Julie Anne San Jose sa Dubai para sa GMA Pinoy TV sa darating na March 30.
Pinamagatang Stronger Together: GMA Pinoy TV @Expo 2020 Dubai na gaganapin sa Dubai Millenium Ampitheatre, kasama rin ang The Clash champion na si Jessica Villarubin.
First time ni Xian na magsu-show sa ibang bansa na Kapuso network na ang pinu-promote.
Ani Xian; “It’s such an honor to be part of the GMA Pinoy TV at Expo 20220 Dubai. I’m looking forward to seeing all our Kapuso in Dubai. It’s been two years since my last on stage performance in front of a crowd, so this is truly a big moment for me.”
Ang tanong ng iba, bakit hindi si John Lloyd Cruz ang isamang mag-promote ng GMA Pinoy TV, gayung halos pareho lang naman sila ni Xian ng status sa GMA 7.
Inaasahan din sina Bea Alonzo at Lloydie na magpu-promote ng GMA Pinoy TV sa ating mga kababayan sa ibang bansa.
Samantala, pasabog pa rin ang biritan nina Julie Anne at Jessica sa Queendom segment nila sa All-Out Sundays ngayong araw.
Isa ito sa inaabangang segment sa naturang Sunday noontime show. Kasama rin si Jessica comedy segment nilang Ibong Pak na Pak, tampok sina Paolo Contis, Rita Daniela, Yasmien Kurdi, Tuesday Vargas, Skelly, Crystal Paras at Pekto.